Thursday , June 4 2026

Ex-staff ng konsehala tiba-tiba sa for sale awards

THE WHO logoTHE who itong isang pulpol na presidente ng non-government organization (NGO) na kumikita dahil sa kabulastugan?

Itago natin siya sa pangalang “Mang Ahas” dahil katulad ng ahas ganito kabagsik ang kanyang kamandag para magkapitsa o magkapera.

Kung matatandaan noong nakaraang linggo ibinulgar natin ang pagbili ng parangal ng isang dating mambabatas na pinangalanan nating ‘Si Buko’ at si ‘Mang Ahas’ ang siyang promotor sa nasabing award for sale.

Nagulat ako dahil ang buong akala ko si dating congressman lang ang ginatasan n’ya ‘yun pala marami pang ibang politiko ang nauto nitong si Mang Ahas.

Bulong ng ating Hunyango, isang mayor, isang board member o bokal, isang SK chairman, at dalawang councilor ang inalok din pala ni Mang Ahas ng award sa halagang P7,000 hanggang P10,000 at marami pang ibang politiko.

Siyempre ano pa ang aasahan natin kundi ang patulan ng mga mokong na politicians ang offer ni Pangulong Mang Ahas.

‘Susmarya Santisima Trinidad!

Dati, mayroong tinatawag na screening committee ang nasabing NGO pero sa ngayon si Mang Ahas na lang ang nagdedesiyon kung kaya’t maraming incorporators ang nag-resign na dahil hindi nila masikmura ang pinaggagagawa ng kanilang presidente.

Naloko na! Hahahahaha!

In fairness, nagsimula naman sa maganda ang layunin ng kinaaanibang NGO ni Mang Ahas pero nang maupo siya bilang Pangulo, dito na nagkanda-hetot-hetot ang organisasyon.

Napag-alaman natin, dati palang staff ng isang QC lady councilor si Mang Ahas at kaya  siya sinibak ay dahil sa ikinakalakal umano nitong  mobile clinic para sa mga constituents ni Madam.

Ibubulong ko sa inyo kung sino siya…

Gets n’yo?!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …