Aries (April 18-May 13) Ang pagiging mainitin ng ulo ay posibleng magdulot ng gulo lalo na kung hindi pipigilan ang sarili.
Taurus (May 13-June 21) Ang araw ngayon ay pabor sa ilang pagkilos at pisikal na aktibidad.
Gemini (June 21-July 20) Kung papipiliin sa pagitan ng ‘work and play,’ ang iyong pipiliin ay negosyo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ang iyong emosyon ay makikita sa iyong mukha ngayon.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Iwasan ang sobrang pagpapagod, posibleng magdulot ito ng pinsala sa kalusugan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Huwag susuko sa bagay na iyong napasimulan na, may aasahang tagumpay rito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang paggamit ng tamang taktika ang susi sa tagumpay ngayon.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang mga bagay ay hindi mangyayari ayon sa iyong plano, ngunit sa dakong huli ikaw pa rin ang magwawagi.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mayroong posibleng mga soprersa sa ano mang ginagawa ngayon.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Kung ayaw mong masangkot sa ano mang matinding kaguluhan, pakalmahin ang sarili.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang pagtuunan ng iyong atensiyon ngayon ay isyu sa tahanan o sa kalusugan.
Pisces (March 11-April 18) Maganda ang araw ngayon para ma-develop pa ang relasyon sa pag-ibig.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Upang magtagumpay sa personal project, kailangan mong kumilos nang mag-isa.
ni Lady Dee