Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA, wala raw basehan na nawawalan sila ng signal — Sky Cable

090115 aldub no signal gma skycable

00 SHOWBIZ ms mNAKATANGGAP kami ng email mula Sky Cable Corporation para linawin at pasinungalingan ang usapin ukol sa umano’y nawawalan ng signal ang GMA 7. Narito ang kabuuang statement mula sa pamunuan ng Sky Cable.

“Sa nakaraang 25 taon, kami sa SKY Cable Corporation, ang nangungunang digital cable TV service provider sa bansa, ay patuloy na nagbibigay ng walang kapantay at kalidad na serbisyo sa bawa’t pamilyang Filipino.

Ang mga paratang ng GMA 7 kamakailan ukol sa intensiyonal naming pagputol ng signal ay walang matibay na basehan. Ito ay batay sa kanilang reklamong inihain noong Agosto 25, 2015, sa National Telecommunications Commission (NTC).

Kung nawalan man ng cable TV signal  ng mga panahong iyon, maaaring ito ay nakaapekto lamang sa iilang mga lugar at kahit ibang channels ay maaaring nadamay, hindi lang ang GMA 7.

Handa ang SKY na makipagtulungan sa NTC sa kahit ano mang imbestigasyon ukol sa mga nasasabing pagkawala ng cable tv signal sa nasabing mga araw.

Para sa aming mga customers at stakeholders, ipinapangako namin ang patuloy na pagbibigay ng tauspusong serbisyo na para lamang sa inyo. Nangangako rin po kami na lagi po kaming handa na ayusin ang mga ganitong isyu, kalian man ito mangyari.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …