SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PAGBIBIGAY-KABUHAYAN at trabaho ang importante kay Gerald Anderson at hindi sa laki ng kita sa kanyang negosyo. Ito ang mahalaga sa aktor kaya hindi kataka-taka na marami na siyang mga negosyo–resort at gym dagdag pa ang maraming produktong nagtitiwala sa kanya.
“More than just the business at sa kita, it feels really good na nakapagbibigay tayo ng trabaho,” wika ni Gerald nang muli siyang pumirma ng kontrata bilang endorser ng Greenfield Tools kamakailan.
Aminado si Gerald na hindi madali ang magnegosyo lalo’t nariyan din ang kanyang career. Kaya naman binabalanse niya ang mga bagay-bagay.
“Siyempre ang priority ko is acting. Pero marami rin ang umaasa sa mga trabahong naibibigay natin sa resort at sa gym kaya pareho kong iniingatan,’ sabi pa ng aktor.
“I also matured as a businessman, and I know what I want,” dagdag pa ng aktor.
Masaya si Gerald na muli siyang pinagkatiwalaan ng Greenfield Tools. Ito ang ikalawang taon ng aktor bilang endorser nito at buong pagmamalaking sinasabi niyang hindi pilit ang kanilang partnership.
“Masaya, kasi hindi ito partnership na pilit. Lifestyle ko talaga ito and I’m very proud na ipagyabang ‘yung mga produkto ng Greenfields na ginagamit ko talaga.
“‘Pag pumunta kayo sa bahay o sa resort ko, ‘yung mga gamit doon mga Greenfield. ‘Yung resort ko kung saan siya madalas ang brownout ngayon kahit may brownout hindi nararamdaman ng mga guest namin dahil sa Greenfield,” pagmamalaki ni Gerald dahil ang gamit niya ay ang Greenfield Tools power station na talaga namang epektibo sa mga brownout.
“I’ve always say na ‘yung resort ko is powered by Greenfield, kaya ‘di naiistorbo ang mga guest namin,” dagdag pa ng aktor na bukod sa power station ay gamit na gamit din niya ang iba pang tools sa pagkukumpuni ng kanyang resort, bahay, o gym.
Sinabi pa ni Gerald na marami pa silang plano ng Greenfield.
“Masaya ako kasi marami pa kaming gagawin together and sobra akong naniniwala sa produkto nila at very grateful din naman sila sa akin.”
Kitang-kita rin naman ang kasiyahan at satisfaction sa Vice President ng Herco Trading Inc., at Greenfield Tools na si Mr. Wayne Coherco na si Gerald ang kanilang endorser for two years.
“Gerald reflects what we want people to think of when they think of Greenfield, dependable, determined and ready when someone needs him.”
Sinabi pa ni Mr. Wayne na ang business ventures at aktibong lifestyle ni Gerald ay dahilan din kung bakit ito ang napili nilang partner.
“More than the celebrity endorsement, we wanted him to represent Greenfield because we believe that his lifestyle is really a good fit for the brand,” giit pa ni Mr. Wayne.
“He’s active, hands-on, and someone who is involved in a lot of different projects and activities. And we wanted someone who we thought could genuinely connect with Greenfield,” sabi pa.
Mahalaga rin para kay Gerald ang koneksiyon dahil gusto niyang ipakita sa kanyang mga ineendosong produkto na maaari niyang isama sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
“I’m very happy because this is one of the partnerships that we’re going to keep. It’s really my lifestyle, and I’m very proud that the products are different, ginagamit ko talaga ito sa resort ko,” sambit pa ng aktor.
Iginiit pa ni Gerald na nagpapasalamat siya sa maraming oportunidad na dumarating sa kanyang buhay kaya naman ibinabahagi rin niya ito.
