Friday , May 3 2024

Sabwatan sa OFWs Box smuggling

00 Palipad hangin Arnold ataderoHINDI na dapat layuan ni Commissioner Bert Lina ng Kustoms  ang kanyang pananaw upang alamin kung bakit hindi matigil ang Balikbayan Box smuggling sa kanyang bakuran. Kahit noong dumating si Lina lalong naging garapal ang kanyang mga personnel na sangkot sa OFW box smuggle.

Tinutumbok natin ang mga  kurakot na ilang opisyales at examiner ng isang unit sa Bureau, ang Informal Entry Division. Sila ang nagpoproseso ng mga OFW box na sa  sangayon sa batas ay limitado lang sa $500 bawat box. Tax exempt ito, isang privilege na ibinigay sa kanila noon pa mang Marcos era. Kung ang kargamento ng isang balikbayan ay lumampas sa $500, ito ay commercial na at iyong sobra sa $500 bubuwisan na.

Dahil nga sa napalawak na sabwatan milyon milyong revenue ang nawwala sa Bureau at tanging mga kasabwat sa sabwatan (conspiracy) ang tumatabo. Sa totoo lang ilang mga forwarder, iyong handler ng mga balikbayan box na siningil nila nang $100 kada kahon (box). Isipin na lang na umaabot sa 150,000 na  container van ang dumarating sa iba’t ibang puwerto ng Kustoms kada buwan.

Dahil walang X-ray or physical examination sa mga bax nito, sinasamantala ng mga kasabwat sa sindikato. Ang tatlong player o sindikato ay mga taga-kustoms personnel sa Informal Entry 0ffice, ang mga kurakot na freight forwarder at iyong mga Pinoy na naging permanent resident ng Amerika.

Labis-labis ang mga isinasaksak sa OFW boxes. Sobra-sobra sa $500 ang mga kargada, tulad ng signature shoes, expensive watches, gun parts, at components ng mga kotse.

Ang masama nito, may tsismis na dito rin idinadaan ang mga bawal na droga. Walang sita-sita.

Iyong mga kasabwat na Customs people may magagandang bahay, expensive cars, boutique sa mga 5-star hotel, mga anak na nag-aaral sa mga mamahaling eskwelahan. Signs of proipesrity. Kilang kilala nila ang mga smuggler na ginagamit ang OFW boxes para magpuslit ng illegal drugs,

Dapat lansagin nila Lina at kanyang mga deputy ang sindikato.Unang-una sibakin ang mga taga-Informal Wntry na saksakan na nang yaman, ipa- Lifestyle Check agad-agad, kasuhan at dalhin sa Tawi-Tawi. Tutal ayaw nilang tumigil sa kanilang mga smuggling activity. Pati illegal drugs at iyong mga pampagandang drug, na ipinapsok  lalo sa Airport natin na walang  FDA PERMIT. Kung ano-ano na lang ang ipinapasok. Bakit marami ring kasabwat sa airport?

Umpisahan mo na Commissioner ang paghataw sa mga taga-Informal Entry division, sa Port of Manila, sa MICP, sa NAIA-Customs at iba pang malalaking puerto.

Hindi puwedeng ningas-kogon lang ang pag-apula, Mr. Lina.

About Arnold Atadero

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *