Sunday , May 19 2024

Sarah G, ‘di sinuportahan ng Popsters?! (Elha, Esang, Reynan at Sassa, pasok sa Top 4)

082515 the voice kids sarah

00 SHOWBIZ ms mMARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit hindi sinuportahan ng fans club o ng Popsters ang mga manok ni Sarah Geronimo na sina Zephanie at Kyle sa katatapos na semi-finals ng Top 6 sa The Voice Kids season 2 noong Sabado at Linggo.

Nabigo tuloy makapasok sa Top nina Zephanie at Kyle at ang nakapasok sa Top 4 ay nagmula sa Team Lea at Team Bamboo.

Hindi nga matapos ang pag-iyak nina Reynan at Esang ng Team Lea at Elha at Sassa ng Team Bamboo nang sila ang mapili para makapasok sa top 4.

Nanguna sa botohan si Reynan na nakakuha ng 32.98% na boto, habang pumangalawa naman si Esang na may 19.24%. Kinompleto naman nina Elha (18.23%) at Sassa (13.71%) ang Top 4 matapos magpasiklab sa kani-kanilang performances.

May mga nagsabing talagang hindi matatawaran ang galing ng apat na nakapasok sa Top 4. Mayroon namang ilang nagsabi na mula sa Popster na hindi raw na-acknowledge ang botong ipinadala. Mayroon namang nagsabi na bigyang pagkakataon naman ang mga alagang nagmula kina Lea Salonga at Bamboo.

Anuman ang dahilan, isa lang ang masasabi namin. Good choice ang mga nakapasok sa Top 4. Kami man, silang apat ang bet namin.

Sa susunod na weekend (Agosto 29 at 30), maglalaban-laban sa huling pagkakataon sina Reynan, Esang, Elha, at Sassa para muling ligawan ang publikong bumoto sa kanila para tanghalin bilang ang ikalawang The Voice Kids grand champion, na magwawagi ng recording contract sa MCA Music Inc., music instrument package, family utility vehicle, house and lot na nagkakahalaga ng P2-M, mula sa Camella ng Vista Land, P1-M cash, at P1-M trust fund.

Kaya huwag palampasin ang live grand finals ng The Voice Kids Season 2 sa Sabado (Agosto 29), 6:45 p.m. at Linggo (Agosto 30), 7:00 p.m. sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *