Thursday , August 14 2025

Sen. Chiz, no choice sa gustong bilang na anak ni Heart

021615 chiz heart
WALANG magawa si Sen. Chiz Escudero kung hindi respetuhin ang kagustuhan ng kaniyang magandang maybahay na si Heart Evangelista na hanggang dalawang supling lamang ang kaya niyang ibigay sa mister.

Pagbibiro ng senador, gustuhin man niyang lima ang maging anak nila ni Heart, iginagalang niya ang kahilingan ng misis na dalawa lamang ang kanilang maging mga anak upang matutukan at mabigyan nila ng pantay na atensIyon ang mga ito, kasama ang mga kambal na anak ni Senator Chiz.

Binabalak na ng mag-asawa na magkaroon sila ng anak sa susunod na taon matuloy man o hindi ang pagtakbo ni Chiz sa mas mataas na posisyon sa halalan sa 2016.

“Siguro, next year pa. Balak namin siguro, hanggang dalawa lang.  Iyon ang gusto niya,” sabi ni Chiz sa isang panayam patungkol sa kaniyang misis.

“‘Ika nga, bilang paggalang sa desisyon at karapatan ng ating mga kababaihan, sila ang dapat nagsasabi kung ilan, hindi iyong lalaki. Hindi naman tayo ang magbubuntis,”  dagdag pa ng senador.

Nauna rito, ibinahagi ni Chiz ang kanilang plano na magdaos ng simpleng “renewal of vows” sa kanilang first wedding anniversary sa Pebrero 15 sa susunod na taon, this time, kasama ang mga magulang ni Heart.

Ang okasyon ay magsisilbi ring isang pasasalamat para sa magandang relasyon  ng kanilang mga pamilya matapos ang naunang hindi pagkakaintindihan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Elias J TV Beverly Labadlabad

Selos dahilan ng away nina Beverly at Elias 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may …

Gary V Angeli Pangilinan

Gary V nakaranas ng tunay na himala

MA at PAni Rommel Placente NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay …

Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PAni Rommel Placente SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players …

Wild Boys Aljur Abrenica Vin Abrenica

Vin, Aljur deadma sa promo ng WildBoys, posibleng sampahan Breach of Contract

HARD TALKni Pilar Mateo IPALALABAS na very soon ang Wild Boys na likha ng aktor at direktor …

Art Halili

Art Halili Jr., thankful sa kaliwa’t kanang endorsements

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang actor/direktor/host na si Art Halili Jr. na hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *