Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayaw at gusto maging Vice President sa 2016

00 pulis joeyPROBLEMA ng presidentiables ang pagkuha ng running mate para sa 2016 elections.

Kasi nga ang gusto nilang maging running mate ay gusto rin tumakbong presidente dahil matataas din ang ratings sa survey para mahalal sa panguluhan ng Filipinas.

Katulad halimbawa nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Paano silang makokombinsi maging vice president e mas mataas pa ang ratings nila sa presidentiables na kumukuha sa kanila!?

Si Poe ay nangunguna ngayon sa survey sa pagka-presidente. Tapos ang kumukuha sa kanya na presidentiable ay nasa malayong pangatlo at pang-apat na puwesto lang!

Si Duterte naman ay nasa pangatlo at pang-apat na puwesto rin… at lumalakas pa habang papalapit ang halalan sa Mayo 9, 2016.

Kaya ang mga nagdeklara na tatakbong presidente na sina Vice President Jojo Binay at DILG Secretary Mar Roxas, pumapangalawa at pumapangatlo sa surveys, ayon sa pagkakasunod, ay hirap makombinsi sina Poe at Duterte na maging running mate nila.

Sa kabilang banda, ang mga gigil naman maging Vice President na sina Senador Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes, Bongbong Marcos at Chiz Escudero ay walang presidentiables na kumukuha. Ano ba ‘yan? Hehehe…

Anyway, malalaman natin ang final ticket ng administrasyon at oposisyon sa filing ng candidacy sa Oktubre 12-16 ng taon.

Abangan!

Madali mag-donor ng dugo sa Red Cross, pero mahirap kumuha ‘pag kailangan…

– Mr. Venancio, siguro po totoo na maganda sa ating kalusugan ang paminsan-minsan mag-donate ng dugo. Pero ang sinasabi nila na kapag ikaw ay donor na may hawak na ‘donor card’ at bigla kang nangangailangan ng dugo ay awtomatikong mabibigyan ka ay malaking bullshit! 2 times na po nangyari sa amin nang maoperahan ang asawa ko at ang tatay, ko walang available na dugo sa Red Cross at sa mga ospital. Mabuti pa ang mga security guard sa mga ospital tinutulungan nila ang mga kamag-anak ng pasyente na makahanap ng donor. Kumbaga sekyu sila, ahente pa. Napakamahal nga lang ng benta. Kaya payo ko po sa ating mga kababayan ireserba po natin ang ating dugo para sa ating sarili o sa mga kamag-anak natin. – 09206035…

Totoong-totoo ang text na ito ng ating suki. Madali ang mag-donate ng dugo lalo sa Red Cross, pero ang hirap kumuha pag ikaw ang nangailangan, bibili ka pa ng pagkamahal-mahal o kailangan mag-donate ka muna at pababayaran pa ang type ng dugo na kailangan mo. Saan ang hustisya rito, Red Cross management?

Si Lacson ang dapat sa DILG

– Sir Joey, tama yung nag-text sayo na dapat si Ping Lacson ang ilagay sa DILG. Kasi wala syang kinatatakutan kahit kapwa pulis binabangga nya. Sya ang karapat-dapat na maging DILG. – 09323583…

Buti nagpalit na ng mga pulis sa Calbayog, Samar

– Sir Joey, mula sa patayan, buti naman at medyo nagpalit ng   mga pulis dito sa Calbayog, Western Samar. Wag naman po sanang maging DILG pa itong si Congressman … Dios ko po lalong dadami ang droga at iligal na aktibidades nila dito. Talamak na nga ang droga Congressman palang sya, mag-DILG pa. Sana po masugpo na ang illegal drugs at walang humpay na patayan dito. Wag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …