Saturday , November 23 2024

Batang Villar takbong Senador

00 pulis joeyPANAY na ang labas ng ads sa TV ng batang Villar.

Oo, si Las Piñas City Congressman Mark Villar, panganay na anak nina ex-Senate President Manny at kasalukuyang Senador Cynthia Villar ay kakasa na sa pagka-senador sa 2016 elections.

Kapag nagkataon, magkakaroon uli ng mag-inang senador sa Senado pagkatapos nina Jinggoy at Loi Estrada noong 2001-2007.

Hindi na rin naman bago ang magkakamag-anak sa Senado.

Sa kasalukuyan nga ay nandiyan ang magkapatid na Alan Peter at Pia Cayetano.

Magkapatid sa ama na sina Jinggoy at JV Estrada .

Balikan natin si Mark, pumasok siya sa politika taon 2010 bilang kongresista ng nag-iisang distrito ng Las Piñas. May isang termino pa sana siya sa Kamara. Pero gigil na siyang tumakbo sa mataas na posisyon  – maging Senador!

Positive thinker ang bata. Maganda ang kanyang track records sa Kamara. Malinis ang pagkatao. Mataas ang pinag-aralan. Produkto lang naman siya ng Pennsylvania. Oha?

Sa tingin ko, si Mark ang magtutuloy sa nabigong pangarap ng kanyang ama na maging Presidente ng Filipinas. Puwede na siyang kumasa sa 2019.

Tatak Villar!!!

Pambabalasubas ng Baguio SecurityAgency

– Magandang araw po, Kuya Joey. Gusto ko lang po kalampagin  ang pambabalasubas ng Baguio Security and Investigation Agency sa kanilang mga security na kinakaltasan ng cash bond tuwing sahod. Ang akala namin pag nag-resign kami ay makukuha namin, ‘yun pala sa kanilang mga bulsa ang punta. Nag-resign na ako noong June 29, 2015. Sabi nila isang buwan ang proseso. Pero hanggang ngayon, Agosto na, hindi ko pa nakukuha ang aking cash bond. At nang ipina-follow-up ko na sa agency, nagtuturuan na sila, hindi raw nila alam at hindi pa raw napipirmahan ng boss. 2 months na akong naghihintay, wala pa rin! Natatakot ang mga kasama kong guwardia na magreklamo. Kaya ako na lang ang nag-text sa pitak mo, Kuya Joey. Ako nga pala si SG Gersalia. – 09999585…

Ang cash bond ay pera ng trabahador. Ikinakaltas ito sa kanilang sahod for insurance or security purposes. Halimbawa baka makawala sila ng gamit sa establishment, ito ang ipinambabayad. O pag umalis sila sa kompanya at may utang, ito rin ang ipinambabayad. Pero kung sa kanilang pag-alis na wala naman silang atraso sa kompanya, dapat itong ibigay sa kanila. Kaya ang panawagan natin sa management ng Baguio Security and Investigation Agency, kung nag-resign sa inyo na wala namang atraso ang guard ninyo, aba’y ibigay n’yo sa kanya ang kanyang cash bond dahil pera n’ya ‘yang pinagtrabahuan or else baka umabot pa kayo sa Department of Labor o demandahan. Ayusin n’yo na lang, ‘wag nang palakihin ang simpleng problema. Okey?

Tamad na mga pulis ng MPD-PS7

– Boss Joey, tama ang sumbong sa ‘yo ng texter mo na ‘kotong checkpoint’ ng MPD PCP-7 sa Tondo. Magagaling lang sa checkpoint sabay kotong. Kanina (kahapon) madaling araw, mga 2:30am, may nadaanan aksidente ang sinasakyan kong jeep sa gitna ng Abad Santos-Tayuman. Jeep at kotse ang nagbanggaan. Pagdating dun sa MPD PCP-7 may mga pulis sa labas, mga 4 sila. Huminto ang driver at sinabi na may aksidente sa nasabing lugar. Aba’y nagpasukan ang mga pulis sa loob. Nag-antay muna sandali ang driver. Pero wala nang lumabas na pulis. Dahan dahan ang takbo ng jeep. Tinatanaw ko kung may lalabas na pulis pare rumesponde. Malayo na kami… wala paring lumabas. Sabi ko sa driver, walang magreresponde sa aksidente dahil di sila magkakapera dun at mag-aksaya pa sila ng pagpapa-picture, sketch ng lugar at pagpapagawa ng reklamo ng sasakyang may reklamo. Malaking abala sa kanila yun e wala namang mako-kotongan dun! Nagtawanan ang mga pasahero. Tama raw ako. – Juan ng Tondo, 09094818…

Tumpak! Agree ako sa text na ito ni Juan ng Tondo! Ikaw, Supt. Villanueba ng MPD PS-7, anong say mo rito?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *