Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghihirap ng amang nawawalay at kumakayod para sa pamilya, binigyang pugay ni Kuya sa PBB 737 (Pagpasok ng ‘pinakabatang housemate,’ may layunin para sa pamilyang Filipino)

081315 Philip baby Romeo

PUMASOK kagabi sa bahay ni Kuya ang tinaguriang ‘pinakabatang housemate’ na si baby Romeo, ang isang taong gulang na anak ng Determined Dad ng Australia na si Philip Lampart na mananatili roon hanggang Biyernes bilang bahagi ng bagong task ni Kuya na layuning ipalamas ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.

Marami ang naka-relate rito lalo pa’t nakagisnan ng maraming pamilyang Filipino na wala ang ama habang lumalaki ang mga anak dahil nakatutok ang mga ito sa pagkayod.  Nais ng programa na mamulat ang mga manonood sa problema ng absentee fathers at ang epekto nito sa pamilya.

Para masiguradong maibibigay ang pangangailangan ni baby Romeo, pinahintulutan ni Kuya ang ina nito na maglabas-masok sa kanyang bahay.

Ang Pinoy Big Brother ay tinaguriang ‘teleserye ng totoong buhay’ dahil sinasalamin nito ang bawat Filipino sa pamamagitan ng makukulay na kuwento ng iba’t ibang housemates. Para subukin ang kanilang pagpapakatotoo, nagbibigay si Kuya ng iba’t ibang tasks o hamon na tiyak magpapatatag at magpapabuti sa kanila bilang indibidwal na sa bandang huli ay kapupulutan naman ng aral at inspirasyon ng mga manonood.

Simula pa lang ng season one ng Pinoy Big Brother ay pinahahalagahan na ni Kuya ang papel ng ama sa pamilya nang ipasok nito sa kanyang bahay ang mga anak ng nangungulilang housemate na si Jayson Gainza. Sa loob din ng bahay mas lumakas ang pagsasama ni Pinoy Big Brother Teen Edition Plus big winner Ejay Falcon at ng nakagisnang ama. Kamakailan sa PBB 737 ay trending din ang tagpo nina Jimboy at ama nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …