Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambak na ang opisyal sa MPD

00 pulis joey
TAMBAK na ngayon ang mga opisyal (Kernel) sa Manila Police District (MPD).

Lalo na’t ibinalik ang dating limang opisyal na inalis noon  dahil raw sa mahinang proformance sa pagsugpo sa iligal na droga partikular shabu.

Ito’y sina SUPT. FERNANDO OPELANIO, SUPT. ERWIN MARGAREJO, SUPT. JULIUS ANOUEVO, SUPT. FROILAND UY  at SUPT. ROMEO ODRADA.

Saan sila ngayon ipupuwesto? Sa gate ng MPD?

Ayon sa ating tiktik sa MPD, sa Agosto 15  ay magkakaroon ng major revamp sa 11 police stations upang mabigyan-daan o makapuwesto ang mga naturang opisyal na ibinalik ng PNP Headquarters.

Kaya kabado ngayon sina Supt. Claire Cudal, hepe ng Pandacan Police Station 8; Supt. Nicolas Pinon, hepe ng Sta Mesa Police Station 8; Supt. Albert Barot, hepe ng Ermita Police Station # 5; Supt. Redentor Ulsano, hepe ng Raxabago Police Station 1; at Supt. Naman Muadrip, hepe ng Sampaloc Police Station 4. Sila raw ang posibleng tamaan ng balasahan.

Sa Lunes naman, bukas, ay magpapakitan ng puwesto sina Supt. Jackson Tuliao, hepe ng Moriones Police Station  2;  at Supt. Aldrin Gran, hepe ng Central Market Sta Cruz Police Station 3.

May posibilidad din na si MPD Director  Rolando Nana ay  palitan na ni Senior Supt Maligalig sa napipintong natiowide revamp ng PNP. Overstaying narin kasi siya sa puwesto.

Anyway, natural nalang sa mga opisyal ng PNP ang balasahan laluna pag bago ang liderato. Kanya-kanya kasing puwestuhan ng mga bata yan para sa mas epektibong kolektong este serbisyo raw pala sa mamamayan.

Ang mga opisyal kasi ay may tinatawag na “tour of duty” para sa kanilang promotion, pamilyaridad sa mga distrito, lungsod, lalawigan at rehiyon para kapag nasa PNP leaderships sila ay hindi na sila mabubulag ng kanilang mga opisyal sa labas.

Parang pari lang din, kada limang taon ay inililipat sila ng parokya o simbahan.

                                                ***

Kamakailan, nang mag-renew ako ng lisensya ng aking mga baril sa Kamp Krame, napapansin kong napakaraming opisyal na pakalat-kalat lang. Karamihan sa kanila at Inspector at Sr. Inspector. Bakit hindi sila i-assign sa mga probinsiya? Kahit sa Municipal Police Station?

Sa amin sa Tablas, Romblon, parang mga SPO4 at SPO3 lang ang mga hepe sa police station eh. Dapat Tinyente o Kapitan na ang ipuwesto sa mga municipal police stations…

Oo, kailangan nang e-level up ang mga munipal police stations…. Lagyan na ito ng mga opisyal mula sa PNPA.

What do you think, Chief PNP, Ricardo Marquez, Sir?

Patayan ang haba ng oras ng duty ng sekyu sa Cebuana

– Sir Joey, hingi lang kami ng tulong. Kasi po napakahaba ng oras ng duty namin dito sa Cebuana Rein Branch, Pasay City. Ang pasok naman 6:00am hanggang 11:30pm.. Security guard po kami dito. Hindi na kaya ng katawan namin, kulang kami sa tulog. Ang name po ng manager namin sa Cebuana ay Rogal Catampongan. Salamat. – Guard

Maling mali ito. Una, labag ito sa Labor Law. Dapat ay walong oras lang ang duty sa trabaho. Pag higit 8 oras, overtime pay na  iyon. Pangalawa, ang taong puyat ay hindi makapagtrabaho o makapag-duty ng maayos. Marami  itong mali na magagawa dahil pagod ang utak at katawan. Sana maisip ito ng may-ari ng esablishment at gawing tatlong shifts ang kanyang mga sekyu.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …