ANG haba ng hair ni Kris Aquino dahil may nali-link na naman sa kanya. How true na dinalaw daw siya ni Phil Younghusband sa shooting ng Etiquette for Mistress?
Sa isang showbiz site, may nagpapayo na mag-concentrate muna si Kris kay Kuya (Joshua) at Bimby. Dapat daw ay mas matured na siya ngayon. Pero sa estado ni Kris kailangan ding may inspirasyon siya.
Inaakusahan din agad si Phil na nakiki-ride-on sa popularity ni Kris kaya mag-ingat daw ito.
Hindi na raw nakapagtataka kung makahiligan din ni Kris na manood ng football.
Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mayor Herbert Bautista sa bagong nali-link sa actress-TV host?
Well… well… well…
TALBOG – Roldan Castro