Monday , December 23 2024

Naimbudo ni Bermudo ang CIDG-NCR

CRIME BUSTER LOGOMAGALING daw talagang sumipsip ang engkargadong si Noy, alias “Bermudo.”

Kahit sino daw ang maging regional director ng PNP-CIDG-NCR (National Capital Region) sa Camp Crame ay kaya nitong paamuin at paikutin. Kaya kahit kasapi ng akinse at a-trenta, happing happy lagi si Bermudo. Laging puno ang bulsa sa kakukulekta ng pitsa sa mga 1602 at 202 sa Metro Manila.

Teka, may ilang buwan na palang rest in peace ang kaibigan nating si Mang Jerry Salakot.

Ano na kaya ang balita kay Mike Biscotcho na kaibigan ni Salakot???

Ang tsismis sa NCR madalas din daw umoorbit si Mike sa lalawigan ng Calabarzon (R4-A).

PNP chief director general Ricardo Marquez, kapitbahay n’yo lang po sa Kampo Krame si Bermudo.

Oppss, uso rin pala sa mga taga-hawak ng kayamanan o official na engkargado ang “Umbrella System” sa usapang collection de pitsa sa PNP. Naka-centralized.

Ang SPD-PNP-CIDG, naka-umbrella kay Rock the boat ng SPDO. Ang Headquarters ng SPDO at headquarters ng PNP-CIDG-SPD ay kapwa matatanaw sa loob ng compound ng Fort Bonifacio sa Taguig City.

He, he, he!!! Makaikot pa kaya sa mga tabakuhan sa Metro Manila sina PO3 Jeff, alias “Wally”; PO3 Arnel, alias “Sablay”; PO1 Kahayon, alias “Gemini” at ang mag-partner na Alan, Nilo de Espet-tas na gumagamit ng aliases na “Pekenis” at “Zyder.” Makaporma pa kaya si SPOBOX Alan L., na nagtatago sa anino ng isang alias “Atty. Santos.”

Ang kuwentuhan pa sa Bicutan, mabibigyan daw ng juicy position sa PNP-NCRPO si Supt. Jay Agcaquili na sanggang dikit sa mga Pagdilao. Kung susuwertehin ang RPIOU.

Nang magbago ang ihip ng hangin o pamunuan sa PNP-NCRPO sa Bicutan, nauso na naman ang “lobbying” bulungan o sipsipan blues.

Abangan natin kung sino ang mananalo sa bidding at kung sino ang tatanghaling bagong pakador sa PNP-NCRPO sa Bicutan. Sasabog din iyan mula sa mga madadaldal na nai-tsepwera sa kalakaran sa pitsa.

Sino ba ang aayaw sa P-2 milyon grease money na dumarating kada linggo???

Mga elitista ang nasa Cory Kalayaan Hall

NOONG Biyernes (July 31) ay pormal na inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III na ang kanyang manok sa 2016 presidential elections ay walang iba kundi si SILG Secretary Mar Roxas.

Ang sabi ng pangulo, kay Roxas daw niya nakita ang pagpapatuloy ng tuwid na daan na siyang magpapatuloy sa kanyang mga nasimulan bilang pangulo ng bansa. Napakalaki raw ang tiwala niya may Roxas.

Naku po!!! Puro grupo ng elitista o mayayaman ang dumalo sa provlamation ni Roxas. Nasaan ang mahihirap???

Feeling ni Binay sureball na ang panalo niya sa 2016

KAPAG ini-interview ng media si Vice President Jojo Binay, ang feeling niya ay siya na ang susunod na magiging pangulo ng bansa 2016. Natalo na raw niya si Sec. Mar Roxas sa nakaraang pambansang halalan.

Naku po!!! VP Binay, easy-easy ka lang muna dyan. Marami ring balimbing sa paligid n’yo.

Padaplis lang!!! Sugalan sa palengke ng Balintawak

MAY isang buwan na rin daw humahataw ang pa-color games na nakalatag sa isang bakanteng lote sa may palengke ng Balintawak sa Quezon City. Ang sugalan ay malapit daw sa Balintawak PNP-PCP.

About Manny Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *