Saturday , April 27 2024

Samot-sari sa Customs

00 parehas jimmySi BOC-EG Special Asst. Jerby Maglungob  ay isa sa nakita natin na hindi abusado sa kanyang posisyon. Siya ay subok na sa serbisyo publiko at marunong siyang makihalubilo sa mahihirap dahil siya ay makamasa katulad ng kanyang kaibigan na si Dating Pangulo at Mayor Erap Estrada.

Si Jerby ay galing sa pamilyang negosyante kaya siya ay pinagkakatiwalaan ni BOC-EG Dep. Comm. Ariel Nepomuceno.

Sabi niya: trabaho lang tayo ‘tol para sa bayan.

Tama ka riyan Jerby, maaasahan ka talaga ni DepComm. Nepomuceno pagdating sa pagmo-monitor  sa mga smuggler at importer.

Keep up the good work, Jerby!

***

Kumusta na pala si Lehos aka racket queen. Ang style nito kunwari malinis pero marumi rin pala.

Mantakin ninyo, iniimbestigahan siya ngayon sa pag-acquire ng kotseng Toyota Vios samantala ang sabi ni PNoy ay magtipid.

Hindi niya mapaliwanag sa COA bakit niya kinuha ang mahigit 20 Vios na hindi umano dumaan sa bidding.

Bukod pa riyan ang Aqua at computers na Acer na ‘di naman nagagamit, bidding ng security guard, bidding ng building na kapag pinagawa wala raw bidding.

Baka bago matapos ang term ni PNoy ‘e ang dami ng kaso ni racket queen sa Ombudsman.

***

Mga baldog ring sa auction, ‘yan ang dapat bantayan ni Comm Bert Lina. Sina Pablo Tan, Moises Lim, Ando Butch dahil sila raw a ng nagpapaikot sa bidders?

Ang laki nang nawalala sa gobyerno sa auction.

***

SINO ba itong isang alyas Belinda Dela Cruz na ang dami rin raket at gamit ang maraming consignee na ‘di naman umano sa kanya.

Kapag nahuli ang kargamento, kakausapin niya ang importer at ‘pag ‘di nagkasundo amyendahan daw.

Bagong racket?

Comm. Bert Lina, bantayan ang mga idinadaan na kotse na pinapasok n’ya. Paki-audit rin at sigurado ako malaking tax ang nawawala sa kaban ng bayan sa kanya.

***

Tumawag ang isang Lloyd ng BOC-IG. Ang sabi, sir Jimmy ‘di ako kasama sa  baldog ring wala ako doon sa ipinalabas. TY po. Pero ito lang ang masasabi ko sa iyo ‘pag may nabalitaan ako at nakatanggap ng reklamo sa ‘yo, isusulat at ibubulgar kita. Maliwanag ‘yan!

***

‘Yung ilang abogado na inilagay sa sensitibong posisyon sa Customs, may reklamo agad sa kanila. Tumatara na raw at mukhang gagamitin ang strategy na kunwari mabait pero mapanganib. Baka maningil na naman si Mr. 50k. Sama ng record ng abogadong ‘yan. So young but so corrupt.

Dapat ituloy ang  pag-iimbestiga at i-lifestyle check ng NBI ang nasabing abogado. Maraming umiyak dito kahit saan mapunta.

Magaling ka talaga si Atty. Gavgav!

***

Isa sa mga kilala kong pulis-customs na napakasimple at napaka-down to earth at  walang alingasngas sa MICP ay walang iba kundi si District Commander Maj. Jesus Francisco Gutierrez.

Rose from the ranks at isang ulirang ama at mapagmahal sa kanyang pamilya  kaya biniyayaan siya ng malulusog na anak at kabiyak na isang doktora.

Da best ka Maj. Gutierrez!

***

Congrats pala  kay NBI Deputy Director  Atty. Jun De Guzman sa pagkaka-solve sa kaso ng mga MPD Sampaloc police na na nasangkot sa rubout.

Galing talaga ng NBI. Siyempre nariyan ang mga utol ko na sina SI4 Aldrin Mercader ng Anti-Organized Crime Division ng NBI at si SI4 Darwin Francisco, SI4   Joey Guillen, hepe ng AOCTD; Head agent Manuel Eduarte, at Ex-O Atty.  Arnold Rosales.

Resulta ‘yan ng magandang leadership ni NBI Director Atty. Virgilio Mendez.

‘Yan ang NBI. Walang alingasngas.

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *