Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valerie, idedemanda raw ng asawa ni Mison

 

00 SHOWBIZ ms mTINAWANAN lang ni Valerie Concepcion ang laman ng email letter na natanggap namin mula sa isang [email protected]. na nananawagang huwag siyang husgahan at unawain ukol sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Ang tinutukoy ng [email protected] email ay ukol umano sa pakikipagrelasyon niya kay Commissioner Siegfred Mison gayundin ang pagdedemanda sa kanya ng isang Ma. Cecilio Mison.

Ani Valerie sa pamamagitan ng kanyang publicist na si Vinia Vivar, “hahaha hindi po ako ang nag-email niyan.”

Ipina-kita rin namin ang email sa ilang mga nakakakilala sa aktres at sinabi nilang hindi ganoon magsalita si Valerie. Taglish kasi ito kapag kausap at hindi nga masyadong marunong ng mga malalalim na Tagalog.

Ukol naman sa ibang usapin ukol sa pakikipagrelasyon at demanda, habang tinitipa namin ang column na ito’y wala pa kaming natatanggap na kasagutan muli mula kay Valerie.

Samantala, narito ang kabuuan ng email na natanggap namin mula sa isang [email protected]

Nakikusap po ako sa media – Valerie

Ako po ay nananawagan at nakikiusap sa media lalu na sa showbiz media na huwag po agad ninyo akong husgahan at sana ay unawain ang kontrobersi-yang aking kinasasangkutan.

Gusto ko po talaga sanang manahimik na lang pero kailangan ko pong magsalita para linawin ang mga bagay bagay para hindi na po madamay ang ilang tao na wala namang kinalaman sa aking problema.

Alam ko pong marami ang masasaktan pero gusto kong linawin ang isyung ibinabato sa akin tungkol sa relasyon ko kay Commissioner Siegfred Mison. Wala po akong dapat aminin, maliban sa malapit kaming magkaibigan ni Fred.

Fred is just a friend, nothing more, nothing less. Meron po bang masama sa pagkakaibigan?

Nakikiusap rin ako sa kay Mrs. Ma. Cecilia Mison na huwag na po ninyo akong takutin na ako’y idedemanda ninyo dahil malinis po ang aking konsensiya. Wala po akong kasalanan at walang nilalabag na batas.

Hindi po ako kabit at hindi ako kaladkaring babae. Mapapatunayan po yan ng mga friends ko sa showbiz.

Sana po naliwanagan ang lahat sa isyung ito.

Lubos na gumagalang,

(Lgd) Ms. VALERIE CONCEPCION

July 15, 2015

 

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …