Aries (April 18-May 13) Tama ang naging hakbang mo sa butas na ito. Ngayo’y kailangan mong umakyat upang makalabas dito.
Taurus (May 13-June 21) ) Panatilihing simple ang iyong komunikasyon. Sumulat ng tula at huwag ng epic.
Gemini (June 21-July 20) Mainam at mayroon kang mapagpipilian. Ngunit minsan, kailangan mong tanggihan ang ilang opsyon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ang sagabal na mistulang isang malaking bundok ay isang speed bump lamang. Mainam ang araw ngayon para sa paghahanap ng mortgages at iba pang loans.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ikaw ba ay hindi sumasang-ayon, o komokontra ka lamang para para malaman ng iba na pumapalag ka rin?
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi gaanong nakalilito ang tanong, ngunit hindi ka naman nila tinatanong.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Alam mo ang secret code; nasa iyo ang password. Huwag itong gamitin nang walang pakundangan.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi nakasalalay rito ang iyong reputasyon. Ngunit huwag pa ring maging kampante.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Gawin ito nang magaan lamang. Hindi ito paligsahan, ngunit maaari itong seryosohin ng iba.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang kaunting kompetisyon ay mainam, ngunit huwag itong sosobrahan.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Gawing reyalistiko ang iyong mga mithiin; huwag mangangako ng bagay na hindi mo matutupad.
Pisces (March 11-April 18) ) Sa ngayon, higit na mahalaga ang iyong flexibility kaysa kung ano man ang iyong kayang buhatin.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kailangan mong sabihin sa iyong boss (o sino mang may kaparehong tungkulin) ang bad news ngayon, ngunit iwasan ang tuksong pagandahin ito.
ni Lady Dee