Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, pinagpawisan ang kili-kili kay Piolo

 

062415 Piolo sarah

00 fact sheet reggeeBITIN ang sagot ni Sarah Geronimo kung natuloy ang wish niyang makahalikan si Piolo Pascual sa The Break-Up Playlist na mapapanood na sa Hulyo 1 mula sa Star Cinema.

“Abangan n’yo po, mai-in love kayo sa pelikula,”nakangiting sagot ni Sarah.

Dagdag pa, ”sineryoso ninyo naman ako masyado sa sinabi ko, baka naman isipin ni Piolo na pinagpapantasyahan ko siya ng sobra-sobra, kaunti lang naman, naks. Baka matakot na siya sa akin.

“Ako talagang sobra akong nag-concentrate bilang girlfriend at ex niya (pelikula) kasi sa totoo lang, kung iisipin mo lahat, surreal, eh. Kasi si Piolo Pascual hinahangaan ko, napapanood ko sa mga pelikula, sa teleserye, sabi ko nga noong unang eksena namin, ‘grabe si Piolo ‘yung kausap ko, si Piolo ‘yung kaharap ko.

“’Yun talaga ang goal ko, maging effective ako sa role ko, maging realistic as possible,” paliwanag ng aktres.

At ang nadiskubre ni Sarah kay Papa P, ”sobrang seryoso sa trabaho, kapag nakipagkuwentuhan sa set, napaka-natural niya.

“At hiyang-hiya po talaga ako kapag nahahawakan niya ako, sobra para akong matutunaw, pawis na pawis na ang kili-kili ko, look test palang ‘yan, hiyang-hiya na ako, pero dahil nga po inilagay natin ‘yung kailangan, wala tayong choice dahil nag-commit po tayo, ilalagay mo ‘yung puso mo, isip mo sa character mo, mapaninindigan mo na ilalagay mo ng tama ‘yung portrayal, so in-overcome ko po ‘yun, although minsan, kumakawala talaga ang surreal pa rin.

“At isang karangalan po na makatrabaho ko ang isang Piolo Pascual,” ani Sarah.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …