Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala po akong planong maging copycat — Cris to Cherie Gil

062415 Cherie Gil Cris Villonco

00 fact sheet reggeeAYAW naming isiping pakulo lang ng Viva ang tsikang pinahihinto ni Cherie Gil ang paggamit ng daialogong,”You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” sa on-going musical play na Bituing Walang Ningning sa Resorts World Manila.

Dahil nadulas si Cris Villonco kahapon na, ”well it was expected and we were warned about that pero wala rin po tayong magagawa, it will still publicity for us, so thank you na rin.”

Kasama si Cris sa The Break-Up Playlist bilang producer ng album ng rock band.

Pero ang paliwanag ni Cris, ”I heard, there is a presscon today, pero ang sinabi po sa akin as long as there is no court order and alam ko po na it was a ceased and deceased notice, sasabihin ko pa rin po (you’re nothing but a second rate trying hard copycat) sa Thursday night until this Sunday this weekend po, tingnan po natin kung anong mangyayari next weekend.”

Nabanggit na ang nasabing pelikula noon nina Sharon Cuneta at Cherie na idinirehe ni Emmanuel Borlaza ay pag-aari ng Viva Films at anuman ang daialogong ginamit sa pelikula ay considered na itong pag-aari ng Viva kesehodang adlib pa.

“I would rather not imitate what was going on and also the director and the material na gusto nilang gawin ko ‘yun, I decided to do a different Lavinia, hindi naman po puwedeng mag-imitate tayo ng mga ginawa ng iba, such an iconic role for her.

“I would not to be a copycat, I want to be the original,”diretsong sabi ni Cris.

At ang mensahe ni Cris kay Cherie, ”hinahangaan ko po kayo, kilalang-kilala ko po kayo, it will always, always, always be you and I have no plans to be a copycat.”

Samantala, ano naman kaya ang bagong ipakikita ni Cris sa The Break Up Playlist nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo? Gustong-gusto naming maging kontrabida ang apo ni Ms Armida Siguion-Reyna dahil ang galing-galing niya, feeling nga namin, puwede siyang Cherie Gil in the making, eh.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …