Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday at Piolo movie, imposible na nga ba?

 

062315 juday piolo

00 fact sheet reggeeNAG-TRENDING sa social media ang ipinost ni Piolo Pascual noong Linggo habang ipinalalabas ang ASAP 20.

“So great to see the person that gave me my biggest break in showbiz… I’ll always be indebted to your kindness? Congrats on another blessing;) Sana makawork kita uli @officialjuday” ito ang IG post ni Piolo Pascual noong Linggo habang on-going ang ASAP 20.

Isa si Judy Ann Santos-Agoncillo sa special guest ng ASAP20 para sa promo ng cookbook niyang Judy Ann’s Kitchen.

Kompleto ang big stars ng ASAP20 kasabay ng Father’s day celebration at isa nga ang mag-amang Piolo at Inigo sa nakiselebra.

Habang naghihintay ng kanilang gap sina Juday at Piolo ay nagkita sila sa backstage at nagbatian naman at siyempre dahil first time na nagkita at nag-usap ang dalawang former hottest loveteam sa showbiz ay marami ang nag-picture sa kanila.

At isa na nga si PJ sa nag-post ng mensahe na masasabing marunong siyang lumingon kung paano siya nagsimula sa kanyang showbiz career at dahil iyon kay Juday.

Ilang dekada na ring hinihintay ng kanilang loyal supporters na muling magsama sa iisang project at sana ito na ang tamang panahon para magsama sila, ‘di ba Ateng Maricris?

Eh, teka, payag ba ang manager ni Budaday na si Tito Alfie Lorenzo na alam naman ng lahat na may tampo siya kay Piolo kaya tinanong namin siya kung okay sa kanya na muling magtambal ang dalawa.

“Wish lang ni Piolo ‘yun dahil wala na siyang makaka-partner after Toni (Gonzaga-Soriano) at Sarah (Geronimo). Dahil lahat puro tatay role na sa mga bago like Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Julia Montes.

“Back to basics ba, Juday and Claudine (Barretto)? Why not Vilma (Santos-Recto), why not Sharon (Cuneta)?” mensahe sa amin ni Tito A.

So anong palagay mo Ateng Maricris magkakasama pa ba sina Budaday at Piolo sa sinabing ito ng manager ng aktres? (Parang imposible yata—ED)

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …