HINDI kayo niloloko ng inyong mga mata. Ito ay totoong raccoon habang nakasakay sa likod ng alligator.
Sinabi ni Richard Jones ng Palatka, Florida, sa WFTV, na siya at ang kanyang pamilya ay namamasyal sa gilid ng Ocklawaha River sa Ocala National Forest nang makuhaan niya ng larawan ang kakaibang insidente.
Sinabi ni Jones sa news outlet, maaaring nagulat sa kanyang anak ang raccoon na tumakbo patungo sa tubig at tumalon sa likod ng buwaya na noon ay maaaring nagpapalamig sa pampang.
“I snapped a lucky picture right when the gator slipped into the water and before the raccoon jumped off and scurried away. Without the context you’d think the raccoon was hitching a ride across the river,” pahayag ni Jones told WFTV. “Definitely the photo of a lifetime.”
(THE HUFFINGTON POST)