Thursday , June 4 2026

Feng Shui: Tips sa pagbabawas ng timbang

060515 weight loss timbang diet

00 fengshuiNAHIHIRAPAN ka bang iwaksi ang masamang bisyo o sa pagsasagawa ng improvements sa iyong buhay?

Kadalasang ang problema ay iniisip nating dapat natin itong isagawa nang mabilisan. Nagtatakda tayo ng unrealistic goals, o nagbubuo ng plano na maaaring makatulong sa atin sa pagpapatupad ng ating layunin – kung ating matututukan, na mababatid nating hindi nating magagawa.

Halimbawa, kung ang hangarin ay magbawas ng timbang, at nagdesisyon kang magpatupad ng very strict diet at exercise ng dalawang oras kada araw – na sa iyong palagay ay magkakaroon ng mabilis na resulta. Ngunit hanggang kailan? Ang susi sa tagumpay – sa kalusugan, diet, pagbabawas ng timbang o ano man na nais nating magkaroon ng long-term result – ay ang pag-focus sa mga pagbabagong ating makakaya, pagbabagong ating pananatilihin.

Narito ang 5 tips upang mapanatili natin ang ating focus sa positibong pagbabago na agad magpapabuti sa iyong pakiramdam.

*Huwag ipahuhuli ang nais kainin. Maaaring ito ay nagsimula sa utos ng ating magulang na maaari nating kainin ang dessert matapos kainin ang gulay, ngunit kadalasang makaraang makain ang good staff at ipinahuli ang ating paborito, tayo ay busog na. Ngunit hindi pa rin natin hahayaang maiwan sa pinggan ang ating paborito. Sa halip, kumain muna ng kaunti ng ating paborito, at saka bumaling sa masustansyang pagkain. O kaya naman ay huwag magluluto ng pagkaing hindi mo magugustuhan – pumili ng healthy choices na iyong nais kainin.

*Gumawa ng listahan, at bumuo ng diet na isasama sa listahang ito. Gumawa ng listahan ng iyong paboritong pagkain sa bawat category – protein, slow-burning carbs, vegetables, etc. At pagkaraa’y magbuo ng healthy meal plan mula sa mga pagkaing ito, kabilang ang kahalating pinggang gulay, 3 oz. ng karne, manok o iba pang protein, at isang tasa ng whole grain carbohydrates.

*Kainin ang gustong kainin. Sino ba ang nagsabing ang dinner ang dapat na maging largest meal? Kung nais mo ng healthy breakfast, ito ang kainin mo. Matagal kang magiging busog at hindi matutuksong kumain ng mid-morning snack. Ang ilan naman ay kumakain ng dinner-style foods sa tanghalian, at kakain ng lighter meal sa gabi. Habang ang iba naman ay nagpapatupad ng six small meals kada araw, na nagpapalakas ng metabolism at nakatutulong sa pagbabawas ng timbang.

*Mag-focus sa iyong pagkain. Kumain sa uninterrupted area, na maaari kang mag-focus. Iwasan ang pagkain habang nagtatrabaho, nanonood ng TV, o kung may ginagawa kang aktibidad na makasasagabal sa iyong pagkain. Ituon ang pansin sa lasa, amoy at textures ng pagkain. At kumain nang dahan-dahan. Aabot ng 15 minuto bago makarating sa utak ang signal na ikaw ay busog na, kaya huwag magmamadali sa pagkain at hintayin ang signal na kailangan mo nang tumigil dahil busog ka na.

*Pumili ng exercise na epektibo sa iyo. Kung nakararamdam ka ng joint pain, at hindi muscle burn, kailangan mo nang tumigil. Maaaring mali ang pagsasagawa mo ng exercise o hindi ito ang nararapat na ehersisyo para sa iyo. Gayundin, kung hindi ka nag-e-enjoy sa exercise, hindi mo na ito itutuloy. Mag-isip ng ilang mga aktibidad na iyong gusto at tiyaking makagagawa ka ng kahit 20 minutong physical activity tatlong beses kada linggo – o higit pa kung kaya mo.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …