Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-utol na Dominic at Mark Roque, may tampuhan!

 

060515 chanel dominic Roque joshua

00 Alam mo na NonieNAGPAPASALAMAT si Mark Roque sa TV5 dahil sa chance na ibinigay sa kanyang maging bida agad, kahit second project pa lang niya ito sa Singko.

Aminado siyang may halong kaba sa una niyang pagbibida. “Sa totoo lang po, hindi pa po ako sanay. Kinakabahan po ako kasi, ‘yun nga po, first time ko pong mag-lead. Tapos nakita ko po ‘yung script, grabe ang hahaba.”

Tampok sina Mark, Chanel Morales, at Joshua Ouano sa Wattpad Presents: Secretly In A Relationship With A Gangster na magsisimula nang mapanood mula June 8 to 12 (Monday to Friday), sa ganap na ika-siyam ng gabi.

Sinabi ng tatlong bagets na ito na hindi mabibigo ang viewers na kiligin at ma-in-love sa Wattpad episode nilang ito na mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro.

Ito ay kuwento hinggil sa modern tale of love and trust. Base ito sa popular online novel ni Sujuanjell, na umabot na sa apat at kalahating milyon ang bumasa at nakakuha ng 46,000 Wattpad votes.

Samantala, aminado si Mark na may tampo siya sa kapatid na si Dominic Roque. Matapos lumabas sa media na hindi nagkakausap ang mag-utol na Mark at Dominic at matagal nang hindi bumibisita sa bahay nila, sinabi ni Mark na maaaring nabasa ‘yun ng kapatid niya kaya dumalaw sa kanila.

“Kahit papaano, umuuwi na po siya sa bahay. Tapos trineat niya ‘yung family namin. Sabi ko nga po, kapag nakuha ko ‘yung first paycheck ko, ililibre ko rin siya at saka ‘yung family ko. Saka ‘pag naging maluwag po schedule ko, ang bonding po kasi namin ‘yung pagmo-motor, e, so yayayain ko po siya one of these days.”

Isa sa tampo raw ni Mark kay Dominic ay kawalan nito ng suporta sa kanya. “Siguro po may tampo po ako nang kaunti sa nangyayari po sa amin. Kasi nga po, ako po todo-suporta sa kanya.

“Kapag may show po siya pini-picture-an ko po ‘yung TV tapos pino-promote ko sa Instagram. Ayaw ko naman po na sabihin sa kanya na gawin mo ito… ang hinihintay ko po ‘yung kusa niyang gagawing pagsuporta po sa akin.”

Naiinggit daw si Mark sa ibang celebrity brothers tulad nina Aljur at Vin Abrenica and Rayver at Rodjun Cruz, dahil nagsusuportahan daw. “Nakakainggit lang iyong ibang magkakapatid sa showbiz, kasi sobrang supportive nila sa isa’t isa hindi lang sa career, kundi pati sa personal na buhay. Sana, ganoon din kami,” saad pa ni Mark.

Bago nagtapos ang aming huntahan, sinabi ni Mark na gusto raw niyang mag-usap sila ng sincere ni Dominic, one of these days.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …