Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy picture ni KC, ‘di bastos, disente pa rin ang hitsura

 

UNCUT – Alex Brosas .

060315 kc Concepcion Sharon Cuneta

MUKHANG mayroong gusot between Sharon Cuneta at anak na si KC Concepcion.

Nag-message kasi si Sharon na from this moment ay ayaw muna niyang mag-post ng anything about KC, gusto niyang manahimik muna.

“I love all my children and though I appreciate all of your comments and your love and concern for me and KC, this is the last I will post about her or us, unless it is a good and positive one or something that will require clearing up,” post ni Sharon sa kanyang Facebook account.

“God is good. In His time all will be well. God bless us all! Have a nice day! Lots of love to all of you,” dagdag pa niya.

Obviously, there is rift between them na nagsimula siguro nang mag-comment si Sharon na nasasaktan na siya sa hindi naman kailangang sexy poses ni KC. Na-bother kasi ang Megastar when a male fan called her attention sa latest photo ni KC na isang sexy outfit ang suot. Kasama kasi si KC sa isang dance event kaya naman ganoon ang kanyang outfit.

Medyo naloka si Sharon sa comment ng male follower niya kaya naman nakapagsalita siya na hindi siya nagkulang bilang ina at nasasaktan na siya sa sexy poses ng kanyang anak.

Actually, KC is still very decent sa kanyang post na ‘yon. Hindi lumabas na bastos ang kanyang kuha. Ewan na nga lang diyan sa fans ni Sharon na gusto yata ay super conservative si KC.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …