PARA sa long-term storage, maaari kang gumamit ng loft o garage.
Bagama’t ang lugar na ito ay “out of sight,” mahalaga pa ring mamuhunan para sa proper storage system upang maaari mong makita ang lahat ng iyong mga kailangan.
Upang madagdagan ang chi na makatutulong upang maramdaman mong higit na organisado ang bahay, bakantehin ang north-west part ng iyong bahay o apartment.
Maaari mong dagdagan ang chi sa lugar na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga halaman sa metal containers, o magsabit ng pendulum clock na mayroong maraming metal parts upang upang magdulot ng greater sense of rhythm and structure sa inyong bahay.
Ito’y mahalaga dahil dapat mo pa ring mamantine ang storage system at ilagay ang mga kagamitan sa tamang pwesto, kapag natapos mo na ang pag-sort out sa mga ito.
Sa paggamit ng freestanding storage unit, magkakaroon ka ng flexibility sa paglilipat ng mga bagay sa loob ng bahay kung nais mong makabuo ng different mood.
ni Lady Choi