Saturday , November 23 2024

After “B” sa 2010 VP letter “P” naman daw ngayon ang gusto ni Chiz

00 Bulabugin jerry yap jsyAKALA natin ‘e mapapahanay si Senator Chiz Escudero sa mga mambabatas na puwedeng maging statesman sa hinaharap.

Pero nabigo tayo sa ating inaasahan, dahil mas unang natutuhan ni Chiz ang makipagpatintero sa ‘kapangyarihang’ mapoprobetso sa politika kaysa maging isang mahusay na mambabatas.

Nakita natin ito noong 2010 elections. Sa kabila na marami ang umasa na susuportahan niya ang tambalang Noynoy-Mar, bigla siyang nagdeklara na ang kanyang bise presidente ay may B.

Dahil doon, nabiyak ang suporta ng partido ni Noynoy para kay Mar Roxas dahil mayroong lumipat sa katunggaling si Binay.

Hanggang maupo si Noynoy, matindi pa rin ang ‘patintero’ ng mga ‘powers that be’ sa administrasyon ni Noynoy.

Matingkad d’yan ang alliance nina ES Jojo Ochoa at Chiz.

At ngayon ngang, halos isang taon na lang ang natitira, muli na naman nating nakikita ang estilo ni Chiz.

Mukhang ang kanyang VP ngayon ay ‘yung meron namang “P.”

What the fact!

Bakit hindi ka na lang magpaka-loyal doon sa letter B mo, Sen. Chiz?!

Komo ba nanganganib na masilat at mukhang mabango at popular ‘yung letter P, ‘e doon ka naman ngayon?!

Kanino ka ba talaga?!

Kunsabagay, mukhang ‘yan lang ang pangarap ni Chiz, ang maging political broker. Mukhang wala sa pangarap niya ang maging statesman.

Sa totoo lang ‘e, wala tayong matandaan na landmark sa mga ginawa ni Chiz sa Senado.

Bukod sa tila tumutula niyang pagsasalita sa plenary hall at mga interview sa telebisyon, ‘e wala na tayong  matandaan na significant achievement niya.

Heto na lang ang unsolicited advice natin kay Sen. Chiz, suportahan mo na ‘yung letter B mo, ‘wag ka nang mamangka pa sa dalawang ilog.

Huwag mong kalilimutan ang kasabihan… “It pays to be loyal.”

‘Di ba Sen. Chiz?!

MPD bagman namamayagpag sa kolek-tong (Attention: Gen. Carmelo Valmoria)

MULI  na  naman palang namamayagpag ang isang ‘tulis’ ‘este pulis  ng Manila Police District (MPD) dahil sa walang habas na pangongolektong sa Kamaynilaan.

Isang alias TATA MANLAPASTANGAN ang bidang-bida ngayon sa kolektong sa lahat ng vices, KTV club at sa mga pobreng vendor.

Dati raw ay nawalan ng galaw at naihawla ang kamoteng pulis noong administrasyon ni dating MPD district director Gen. Rolando Asuncion sa kanyang opisina pero ngayon ay parang asong ulol na pinakawalan para maghasik ulit ng lagim sa Maynila.

Isang grupo riyan sa MPD HQ ang binabandera ni alias Tata Manlapastangan para sa tara y tangga.

By the way Gen. Rolly Nana, kasama pa ang opisina mo sa mga ginagasgas ni Tata Manlapastangan sa pangongolektong.

Sonabagan!

Aba’y hindi na ako magtataka kung patuloy  na  namamayagpag  ang  mga  ilegal na sugal at droga sa Maynila dahil may ‘timbre’ sila diyan sa MPD HQ!?

Gen. Rolly Nana, mukhang humihina ang Intel mo at hindi mo yata namo-monitor ang katarantaduhang ginagawa ni bagman Tata Manlapastangan!?

Hindi mo ba talaga alam ‘yan Sir!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *