PATAY ang limang hinihinalang kidnaper ng isang negosyanteng Chinese, sa enkwentro sa Sulu nitong Huwebes ng madaling araw.
Batay sa report ng commander ng Joint Task Group Sulu na si Col. Allan Arujado, dinukot ang biktima nitong Miyerkoles ng hapon. Hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang mga suspek.
Bago makatawid ng dagat ang Chinese at ang mga suspek, nahabol sila ng mga tanod at pamilya ng biktima at nagkaroon ng bakbakan nitong Huwebes ng madaling araw.
Tumaob ang bangkang sinasakyan ng mga namatay na suspek.
Tinamaan din ng bala sa katawan ang Chinese.
Dinala na sa Zamboanga City ang biktima para malapatan ng lunas.