Thursday , June 4 2026

Dalagita sinaktan, inihulog sa hagdan ng sariling ama (Dahil sa pagpapaligaw)

111014 rape

BAGUIO CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang dalagita makaraan saktan ng sarili niyang ama sa inuupahan nilang bahay sa Pico, La Trinidad, Benguet kamakalawa.

Ayon sa kapatid ng biktima, nakikipag-inoman ang kanilang ama nang komprontahin ang 16-anyos biktima hinggil sa pagpapaligaw.

Hindi umimik ang biktima na ikinagalit ng kanilang ama kaya pinagpapalo siya ng walis at sinuntok sa tiyan.

Hindi pa nakontento ang kanilang ama, kaya itinulak sa hagdan ang biktima hanggang mahulog at mabagok ang ulo sa sahig.

Agad nagpatulong ang mga kapatid ng biktima sa mga concerned citizen at pinigil ang suspek habang isinugod sa pagamutan ang dalagita.

Nakapiit sa safekeeping cell ng La Trinidad Municipal Police Station ang suspek. (HNT)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …