Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project manager tigok sa motel  

050215 motel dead

PATAY ang isang 57-anyos project manager makaraan manikip ang dibdib at mahirapang huminga mahigit isang oras makaraan mag-check-in sa motel kasama ng isang babae kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa John Paul Hospital ang biktimang kinilalang si Armando Singson, ng Block 4, Lot 34, Phase E-1, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte, Bulacan sanhi ng heart attack. Batay sa ulat ni PO3 Romel Bautista, dakong 5 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng Room 18 ng Madonna Hotel sa 34 Don Vicente St., Brgy. 136 ng nasabing lungsod. Dakong 3:40 p.m. nang dumating ang biktima kasama ang isang Julie Sepe, sakay ng Mitsubishi Adventure (WDB-476) at nag-check-in sa nasabing motel.

Makalipas ang halos isang oras ay sumisigaw na humihingi ng tulong ang kasamang babae ng biktima dahil sa paninikip ng dibdib ni Singson.

(ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

Rodolfo Ompong Tan Neil Clark Ongchangco

Kilalang Baguio citizen, photojourn patay sa trahedya sa ilog

BAGUIO CITY — Kilala sa kanyang mga kuhang retrato, si Rodolfo “Ompong” Tan, isang prominenteng …

Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan …