KILALANG mataray sa showbiz ang misis ng isang komedyante. Pero bukod dito, matinik din pala si kumander sa pambababae ng kanyang mster.
Isa pala sa mga pinaka-sexy Pinay na hinirang ngayong taong ito ang kinalolokohan ng komedyante, bagay na hindi nakaligtas sa pang-amoy ng kanyang esmi.
Nakaharap na kasi ng personal ng mataray na wife ang kanyang seksi’t mas batang karibal na isa palang golfer. Pero sa halip na mag-eskandalo si misis, dinayalogan lang niya ito ng, ”Ah, ikaw pala ‘yon. O, sige, pauwiin mo na ang asawa ko dahil mag-aalaga pa siya ng mga anak namin!” sabay talikod sa girl.
Hindi umubra sa katarayan ng misis ang komedyante na itago na lang natin sa alyas na Banjo Alyanna.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
