Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin at Yasmien, nag-enjoy sa PLDT Home Telpad treat

042815 pldt telpad

00 SHOWBIZ ms mMULING nagpasaya ng mga bata, teen-ager, at parents ang PLDT Home Telpad noong Biyernes ng gabi para sa kanilang special screening ng Avengers: Age of Ultron sa Shangrila Mall Cinema.

Bale ito ang ikalawang beses na nagkaroon ng special screening ang PLDT Home Telpad ng mga pambatang panoorin bilang pagkilala at pagbibigay-pugay nila sa power of kids in the age of connectivity and their endless appetite for interactive content. Ang PLDT Home na nga ang digital hub ng mga bata/kabataan para mag-enjoy sa napakaraming bagay sa Telpad. Ibinibigay ng Disney Interactive ang amazing array para sa subsidiaries nila tulad ng Pixar, Marvel, at Lucas Arts.

Mae-enjoy ng mga Telpad subscriber na nag-upgrade ng Disney Kiddie package ang mga movie spin-off games tulad nga ng Avengers Origins; Assemble at Avenger Origins: Hulk na maa-access sa PLDT Home Telpad’s Disney widget. Marami ring pagpipilian sa mga Disney electronic at interactive-books sa Telpad.

042815 pldt kids

“We’re excited to share this exciting entertainment line-up via the PLDT Home Telpad. This is definitely another good reason for kids and the entire family to love the Telpad. As part of our commitment to build the strongest connections at home through world-class content and home entertainment, we’ll definitely continue providing our subscribers access to more compelling digital content,” giit ni PLDT Vice Presidnet at Head of Home Markting na si Mr. Gary Dujali.

Imagine nga naman, magdaragdag ka lang ng P500 kada buwan, makakapag-ugrade na ng Telpad plan na mayroong landline, broadband, at Telpad unit. Telpad subscribers can enjoy these value addes services as low as P99 per month. Kasama sa package na ito ang libreng Disney Telpad skin at dalawang Disney Telpad na madaling ma-access sa Disney widget. Para sa ibang katanungan, mag-log-on lang sa pldt.com

Nakiisa sa special screening na nakita naming nag-enjoy na nanood kasama ang kanyang mga anak ay si Martin Nievera gayundin si Yasmien Kurdi kasama naman ang kanyang asawa.

Binigyan din ng papremyo ang mga batang nagtungo roon na naka-avengers costume na ang isa sa nagwagi ay anak ng kasamahang si Tessa Mauricio-Arriola, editor ng Manila Times.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …