Sunday , April 28 2024

Bookies ng Karera sa Pasay at Lotteng ni Jun ‘Kupal’ Lakan (For your eyes only Col Doria)

00 rex target logoNGAYONG araw na ito ay ibubuko natin kay NCRPO chief, Director Carmelo Valmoria ang mga tarantadong opisyal at tauhan ng pulisya na nasa likod ng mga ilegal na pasugalan sa mga lungsod ng Pasay at Makati.

Asong bahag ang buntot ng hepe ng Pasay PNP na si Colonel JOEL DORIA pati na rin si General Henry Raola ng Southern Police District Office (SPDO).

Ayon sa hindot na patabaing baboy ni JUN LAKAN na si CALOY COLANDING, isang dismissed na pulis, pinasakan na umano niya ng payola ang bunganga ni Colonel Doria kung kaya’t bulag at pipi na umano ang hepe ng Pasay at SPDO sa kanilang lotteng operation.

Ganoon din ang pagyayabang ng mag-among JUN LAKAN at CALOY COLANDING pagdating kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Tingin ng mag-among ulol na mukhang pera sina Gov.Remulla at General Ranola.

Posibleng may basehan ang pagyayabang ng dalawang hindoropot dahil nananatiling ‘untouchable’ ang ilegal na pa-lotteng at sakla ni JUN LAKAN sa PASAY, MAKATI at CAVITE.

Mukhang tanga lamang sa isang tabi ang puwersa ng pulisya sa mga lugar na ito.

Speaking of Pasay, kung hataw at umaariba ang pa-lotteng ni JUN LAKAN, ganoon din ang bookies sa karera ng kabayo sa Pildera na ang operators ay sina ROSY, TOTOY, DORY at ELY; sa Sto. Niño naman ay matitikas na sina RONALD, GLORIA, CESAR at BAY samantala sina CHE, ROGER, GEMMA at KAKA ang pasimuno sa bookies ng karera sa TRAMO-Libertad.

Isa umano sa pinakamalaking bangka sa bookies ng karera ang kupal na si LOGIE.

Isa namang pulis na kinilalang si REGGIE LASAMANO ang nagpapakilalang bagman ng Bicutan-NCRPO. Gamit ng tarantadong pulis sina ALLAN LLANADO at isang VILLAFUERTE bilang mga kolektor.

Mismong pangalan ni Director Valmoria ang ginagamit ng tatlong bugok na gago sa kanilang pangongolekta ng payola sa mga ilegalista.

May standing order na si Director Valmoria para hulihin ang mga hinayupak.

Ang nakaiinis, pangalan ng matataas na opisyal ng pamahalaan ang kaladkad ng mga hijo de puta.

Ang lalakas ng loob pero kalog naman ang mga tuhod kapag naiindulto!

Kalusin mo na nga General Valmoria sir! Isama na po ninyo Director Valmoria ang mga buwayang pulis na nagsisilbing patong nitong si JUN LAKAN et al.

BOY TISOY AT JASON YABANG, BAGYO KUNO SA LTO, HPG AT LTFRB

Dalawang ubod nang yabang na kupal na siyang humahawak sa illegal terminal ng mga FX at UV Express diyan sa LRT SANTOLAN Terminal na sina BOY TISOY at alyas JASON ang aasintahin po natin ngayon sa ating pitak.

Opisyal umano ng Pasig Rizal Utility Vehicles Drivers Association ang dalawa na talaga umanong super bagyo at lakas sa mga opisyal ng Highway Patrol Group ng PNP, LTO at LTFRB.

Mula P150 hanggang P200 ang regular na hinihingi ng dalawang kupal sa bawat driver araw-araw.

Isang alyas KASIM umano ang padrino ng mga tarantado sa LTFRB na pinadadalhan ng lingguhang payola.

Alam po natin outgoing na si LTFRB chief. Atty. Winston Gines pero batid naman natin hinding-hindi niya kokonsintihin ang isang corrupt na opisyal ng kanyang tanggapan. Hindi lamang natin matiyak kung itong si alyas KASIM na gumagamit sa pangalan ni Chairman Gines ay talagang tao ng hepe ng LTFRB.

Parang mga patabaing baboy naman at palamon ang turing nitong sina BOY TISOY sa mga operatiba ng HPG at LTO.

Walang respeto at takot sa mga awtoridad na ang ipinagyayabang ay ipinamumudmod na weekly intelihensiya.

Kaya kayong mga pulis na assigned sa naturang lugar, kasama pala kayo sa mga palamong patabaing baboy nina BOY TISOY at JASON YABANG.

Kaya namang pala mistulang patay-gutom na hayop lamang ang tingin sa inyong ng dalawang kupal.

Nais nating iparating sa kaalaman ni PNP OIC, Director General Leonardo Espina ang tungkol sa isyung ito na kinasasangkutan ng ilang opisyal at tauhan ng HPG.

Nakahihiya na nga ang imahe ng PNP sa kasalukuyan pero patuloy na binababoy ng mga ilegalistang tulad nina BOY TISOY at JASON YABANG.

Ang exact location po ng paminggalan ng taga-HPG General Espital ay diyan po sa ibaba ng SANTOLAN LRT STATION.

Paki-sampolan nga po General Espina sir ang ilan sa mga patabaing baboy ng PNP-HPG diyan sa nasabing lugar.

Bundat na bundat na raw po sa grasyang ipinamumudmod ng mag-among BOY TISOY at JASON YABANG.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

ni Rex Cayanong

 

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *