Friday , November 22 2024

Mayroon pa bang Press Freedom?

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA pong layunin manakot ang kolumnistang ito, pero sasabihin ko po sa inyo na dapat tayong mag-ingat lalo na kung ang demonyo ay napapalamutian ng  ensigna, uniporme at dokumentong wala tayong panahon para kompirmahin kung tama.

Sinasabi ko ito dahil sa isang masamang karanasan nitong Easter Sunday.

Inipit (as in sandwich) ako ng mga pulis na nagpakilalang sina S/Insp. Salvador Tangdol, PO3 Alvin Alfaro, PO2 Teraña, at dalawang John Does sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) terminal 3 nitong Abril 5 dahil mayroon daw akong warrant of arrest sa kasong Libel na isinampa ng isa pang pulis-MPD.

Nagulat ako. Una, dahil bago magbakasyon ay ipina-check namin kung may resolusyon na ang kasong iyan. Wala pa. Kaya nagugulat talaga kung paanong nakapaglabas agad ng warrant.

(Sa susunod po ‘yan ang tatalakayin namin, kung paanong sumampa ang kaso at nalabasan kami ng warrant of arrest kahit hindi dumaan sa tamang proseso).

Ikalawa, nagulat ako, dahil araw ng Linggo at nagkataong Easter Sunday pa, bakit mayroong nang-aaresto?         

Upang hindi matakot ang aking mga anak na kasama ko noon, minabuti kong sumama sa mga unipormadong lalaki lalo’t nagpakilala sa akin ang kanilang hepe na si Tangdol.

Bukod sa aking pamilya at mga staff, ang unang nagpakita ng suporta laban sa pag-aresto sa inyong lingkod sa ngalan ng pagtatanggol sa memorandum of agreement (MOA) ng Philippine National Police (PNP) at media groups ay National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Naniniwala ako na hindi ito suportang personal ng NUJP, kundi pagkondena sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga pulis, pambabastos sa MOA at direktang pag-atake sa press freedom.

Ganoon din ang international media watchdog group na International Federation of Journalists (IFJ) na mariing kinuwestiyon ang pang-aaresto ng mga tauhan ng MPD sa araw ng Linggo.

Sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), kay Ka Satur Ocampo, isang beteranong mamamahayag at kay Press Secretary Rod Reyes.    

Talagang na-overwhelm po ako sa suportang ipinakita ninyo sa pagkondena sa malalang pag-atake sa press freedom.

Itinuturing ko itong malala dahil sa ipinakikitang indikasyon nang tahasang pagyurak sa ating karapatan bilang mamamahayag.

Higit itong nakatatakot kaysa bala ng isang baril, dahil harap-harapan nilang binabaluktot ang katotohanan, walang kurap sa pagsisinungaling, sabi nga ng matatanda.

Nalulungkot lang tayo, na mayroon tayong mga kabaro na hindi na nga sumuporta o tumulong ay namemerhuwisyo pa.

Imbes ipagtanggol ang MOA ng PNP, NUJP, KBP at PPI, sila pa mismo ang nagsasabing revoke na raw ‘yan.

Hello, kailan pa, na-revoke ‘yan?

Hindi man lang ninyo ‘naikuwento’ sa mga miyembro na wala na palang MOA?!

At ‘yun mismo ang tanong, wala na bang MOA?! At kung wala nang MOA, wala na bang PRESS FREEDOM?!

 Habang isinusulat natin ang kolum na ito, isang PM ang natanggap natin na nagpapakita kung paano pinaninindigan ng isang media organization na wala umanong mali sa ginawang pag-aresto sa inyong lingkod ng mga kagawad ng MPD Warrant & Subpoena Section.

Ngayong araw po, kami ay magsasagawa ng press conference para kondenahin ang pag-aresto at ihayag kung ano ang ginawa naming mga protective measures laban sa pisikal na pag-atake sa inyong lingkod (pero mayroon pa rin pong mga banta).

Ginagawa po namin ang mga protective measures na ito, hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng mga kasama natin sa pamamahayag lalo na ‘yung mga walang kakayahang lumaban sa legal na aspekto at hindi agad makapagpipiyansa kapag naaresto.

Lilinawin ko po, hindi komo nakipag-ugnayan sa media organization ang pulisya ay maaari na nilang arestohin ang isang akusado.

Dapat po silang makipag-ugnayan sa media organization para ipaalam na sila ay may kasong kinakaharap at binibigyan ng pagkakataong makapagpiyansa. Hindi po ibig sabihin ng paki-kipag-ugnayan ‘e ‘HULIHIN’ agad ang subject.

Ito po ay napagkasunduan ng pulisya at media organizations nang sa gayon ay mapangalagaan ang personahe laban sa pang-aabuso sa partikular, at PRESS Freedom sa kabuuan.

Malinaw po na ang media organizations ay dapat manindigan lalo kung may atake sa kanilang miyembro.

Isa lang po ang ipinagpapasalamat ko sa insidenteng ito… The EVILS exposed themselves.

Magandang araw po.

Arogante at bastos na pulis sa MPD Tayuman PCP (Attn: NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria)

 MARAMING residente sa Tondo Maynila ang nais iparating ang kanilang hinaing kay NCRPO RD C/Supt. Carmelo Valmoria hinggil sa pagiging arogante at maangas umano ng ilang pulis sa MPD PS-7 TAYUMAN PCP.

Ilan PO1 daw ng Tayuman PCP ay napakagaspang ng pag-uugali lalo sa kanilang checkpoint. Gaya ng isang insidente na isang tauhan umano ng isang Konsehal sa Maynila ang nasita sa checkpoint at pilit na hinahanapan ng butas/violation ng mga pulis.

Halos pagmumurahin pa raw ng isang PO1 na nagyayabang na ‘bata’ raw siya ni Major SAGMAYO.

Pero nang napilitan na ang biktima na magpakilala at magpakita ng ID ay parang binuhusan ng malamig na kanin-baboy si PO1.

Sa kabila nang pagpapakilala ng tauhan ni Konsehal ay tinadtad pa rin siya ng violation dahil anila ay hindi siya napitsaan?!

Ayon sa isang pulis PCP Tayuman, ‘yan daw po kasi ang order ni Major Sagwan ‘este Samayo na maging mahigpit, matapang at matalas sa pagsilip ng violation.

Ganun!?

Totoo ba ‘yan Major?

Baka ho naman nasanay si Major sa pinanggalingan niyang lugar kaya may culture shock pa siya sa Maynila?

Galit sa tao pero sa pera kaya galit rin ba sila?

Gen. Carmelo Valmoria, paano ho ba dinidisiplina ang mga pulis na arogante?

Kailangan bang ire-training sila ulit sa Bicutan!?

Pulis Maynila concern sa Bulabugin

 KA JERRY, nabalitaan namin ang nangyari sa inyo. Kitang-kita na pinersonal kyo ng isang opisyal namin. Nasa likod niyo lang kami at sabihan niyo lang kung makakatulong kami sa INTEL o anuman. Bilib kami sa dedikasyon n’yo sa trabaho. Tahimik lng kami dto sa HQ pero hndi na namin gus2 ang bulok na kalakaran dto. Sana ituloy pa n’yo ang pgbubulgar ng katiwalian sa aming distrito. Mag-iingat ho kyo lagi at mga traydor ang kalaban nyo dto. At pg may info kami ay ibabato namin agad sa inyo. Salamt ho. – Concerned MPD personnel. +63919660 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *