Monday , December 23 2024

Lola, 4 apo patay sa sunog sa Bacolod (Magkakayakap nang matagpuan)

040815_FRONT

MAGKAKAYAKAP nang matagpuan ang sunog na bangkay ng isang 76-anyos na lola at apat niyang mga apo sa nasunog nilang bahay sa Brgy. 1, Bacolod City kahapon ng umaga.

Hindi nakalabas sa kanilang bahay ang lola na si Norma Pido at ang kanyang mga apo kabilang ang magkakapatid na sina Rachel Gale, 10; Chanel, 7; at Jonjon, 6; at pinsan nilang si Katrina Pido, 10-anyos, pawang mga residente ng Prk. Lison, Brgy. 1, Bacolod City.

Nakulong sa loob ng bahay ang mga biktima dahil sa bandang pintuan nagsimula ang apoy.

Pinaniniwalaang electrical short circuit ang sanhi ng sunog.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *