Matagumpay at marami ang nasiyahan sa naganap na 8th “Manila Horsepower Organizational” Racing Festival nitong nagdaang weekend sa pista ng SLLP, kaya sa pagkakataong ito ay binabati ko ang lahat ng miyembro at opisyales ng samahan.
Sa pinakatampok na pakarera nila ay magaan na pinagwigan iyon ng kabayong si Low Profile, na nakapagtala pa ng umentadong tiyempo na 1:41.8 (25’-24’-25-27’) para sa distansiyang 1,600 meters.
Sa iba pang takbuhan ay tila nakatagpo rin ng magaan na laban sina Bualan na naorasan ng 1:32.6 (13’-25-25’-28’) sa 1,400 meters, Today’s Special na tumapos ng 1:30.6 (13-24’-26-27) sa 1,400 meters at Tabelle na gumawa ng 1:33.6(13’-25’-26’-28) sa 1,400 meters na laban.
Binabati ko rin si kapatid na Macky Maceda sa panalo ng kanyang kabayo na si Minocutter, na kapag binibuhan ng kanyang regular rider na si Renz Ubaldo sa may 3/8-mile post ay matining kung rumemate sa rektahan hanggang sa makarating sa meta. Animo’y naka-Masumax at kumbaga sa sasakyan ay naka-IC Green ang kanyang makina. More winnings to come Bro. Macky.
ni Fred L. Magno