ni Alex Brosas
KAWAWA naman itong fans ni Marian Something. Mukhang walang ginagawa, mukhang walang silbi kundi ang mang-bash kay Heart Evangelista.
Nang maitsika kasi ni Heart na gusto niyang pumunta sa Spain para bisitahin doon ang relatives ng mother niya, agad-agad ang pamba-bash ng Marian defenders.
“Ayaw talaga patalbog ke Marianing…to heart, try going to Cabo San Lucas Mexicobecause it is beautiful out there at favorite spot ng mga Hollywood celebs di yung sinusundan mo si MR.”
“Right nggitera, punta kasi si Marianing sa Spain kaya doon rin gustong pumunta ni Heart.”
“Now Heart wants to go to Spain too because she said that her mom has relatives there…yun ngang mother niya sa tabi tabi lang niya e di nag punta sa wedding niya tapos saSPain din siya pupunta….I wonder what her mom would say.”
Grabe ang Marian fans, ’no?
Anyway, there’s one Heart defender who nailed it and said, ”Kahit sino kung me pera at kayang gumastos pwede pumunta kahit saang bansa nya gusto. Hindi porke pumunta ang isa tao at pupunta rin sya meaning gaya-gaya at insecure na? ESEP-ESEP!”
Oo nga naman. Exclusive lang ba ang Spain kay Marian Something? Hindi naman, ah. So lahat pala ng pupunta ng Spain ay gaya-gaya lang kay Marianita? Ganoon ba ‘yon?