Skip to content
NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang Baguio CIty nitong Martes ng umaga.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, dakong 7:14 a.m. nang tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng mismong lungsod.
Nasa lalim lamang na 13 kilometro ang sentro ng tectonic na lindol.
Nadama ang intensity 4 na pagyanig sa Baguio City at La Trinidad, Benguet habang intensity 3 sa Itogon, Benguet.
Intensity 2 ang nairekord sa Dagupan City habang intensity 1 sa Palayan City.
“‘Yung intensity 4, hindi naman damaging ‘yun,” garantiya ni Solidum.