Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres na single mom dyowa ng immigration official (Kaya pala bongga ang lifestyle kahit no project!)

00 vongga chika peterTULOY-TULOY na pala ang pagwawala ng dating pa-sweet na aktres na naging controversial noon dahil naanakan ng namayapang aktor.

Yes! Mula sa pagpapa-sexy, naging cover siya ng ilang men’s magazine at tumanggap rin ng medyo paseksing role sa pelikula at TV. Ngayon, ang pagpatol naman raw sa matanda o DOM ang pinagkakaabalahan ng said actress.

Yes! Balitang-balita at pinagpipiyestahan na sa isang ahensiya ng gobyerno ang relasyon ngayon ni actress sa isang Immigration officer na mahilig sa mga seksing babae. Siyempre sustentado ng opisyal na ito si aktres at talagang todo-bigay ang luho niya.

Yes! Kahit no project ay kaya nang magpabongga sa kanyang lifestyle ang biyuting celebrity, na nakakontrata sa malaking TV network, dahil mayaman ang nabingwit na bagong Papa. Zino siya? Well may connect ang surname niya sa Kapamilya young actress na nagmula sa showbiz clan.

Siya na ‘yon gyud!

Valentine movie ng Kathniel na “Crazy Beautiful You” palabas na at magkakaroon ng worldwide showing sa March

Unang araw pa lang nang ipalabas sa You Tube ang official teaser ng “Crazy Beautiful You” ay patok na agad sa fans ng bidang love team sa pelikula na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa loob lamang ng ilang araw ay umabot na sa 1,715,322 ang views ng nasabing teaser na nagdagdag pa ng ilang milyon sa mga sumunod na araw. ‘Yung red carpet premiere naman ng movie na ginanap kagabi sa SM Megamall Cinema ay SRO sa dami ng mga taong nanoood at talagang dinumog ng kanilang mga tagahanga sina Daniel at Kathryn.

In fairness marami rin supporters ang love team nina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino na GaLor na tuwing lumalabas sa big screen ay tinitilian rin kaya kinilig rin ang mga Katniel. Palabas na pala today, February 25 ang Crazy Beautiful In You sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa. May schedule na rin ang pagpapalalabas ng nasabing movie worldwide na mapapanood sa United States, Canada, Norway, UAE, Qatar, Oman sa March 6; March 7 – Austria; March 8 -Greece, Italy at Hong Kong; March 19 – New Zealand, Australia, KSA, Bahrain at Kuwait; March 22 – Singapore at sa March 29 naman palabas sa bansang Japan.

May mga karagdagan pang theaters at ilalabas ito ng Star Cinema soon. Grabe, patuloy na talaga ang pag-level up ng hindi matalo-talong blockbuster tandem ng Teen King and Queen ng ABS-CBN na sina Daniel at Kathryn at sa latest film ng dalawa na idinirek ng box office director na si Mae Cruz-Alviar ay siguradong maraming moviegoers na naman ang mabibighani sa pelikulang ito ng Star Cinema.

Mula sa pagiging Teen King at Queen dahil Feb-ibig month ay magiging King and Queen of Hearts na ngayon sina Kathniel sa nakakalokah, nakakikilig at napakagandang pang-Valentine’s na pelikula na hinding-hindi dapat palagpasin ng bawat tagahanga. Iikot sa kung paano magtatagpo sina Jackie Serrano (Kathryn) at Kiko Alcantara ang istorya ng Crazy Beautiful You. Si Kiko ay maaatasang magbantay kay Jackie habang tinutupad nila ang isang medical mission para sa isang komunidad. Ang pagpapatuloy ng kanilang pagsasama ay ‘di inaasahang mauuwi sa isang crazy romantic adventure na magbabago sa kanilang mga buhay.

Sweet-sweet-an si Daniel sa problem child na si Kathryn. Ipakikita rin sa pelikula na kayang hilumin ng tunay na pag-ibig ang kahit na anong sugat at worth all the risk ang pag-ibig kahit gaano man ka-crazy ang beautiful journey na hatid sa atin ng ating buhay.

Ka-join rin nila ang bagong tinitiliang young heartthrob na si Iñigo Pascual na magpapa-in-love rin siyempre sa mga bagets audience.

Kaya sa may lovelife man o wala this Valentine’s month, nood kayo nito gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …