Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, ‘di raw pumapatol sa mas may edad sa kanya

020515 michael p

00 fact sheet reggeeITINANGGI ni Michael Pangilinan na pumatol siya sa babaeng 30 years old.

Panay kasi ang kulit sa kanya ng ilang katoto na nagkaroon siya ng girlfriend na edad 30 na madalas niyang dalawin noon sa Greenhills na dahilan din kaya sa tuwing hahanapin siya ng manager niyang si katotong Jobert Sucaldito ay hindi siya matagpuan.

“Wala naman akong naging girlfriend na ganoon, 24 years old lang ‘yung huli, “ pagtatanggol ni Michael sa sarili.

Edad 19 lang ang binatang kumanta ng Pare, Mahal Mo Ba Ako na kasalukuyang may 4 million views na sa YouTube.

Hindi naman pinagbabawalang makipagrelasyon si Michael ng manager niya, sana lang career daw muna ang pagtuunan nito ng pansin.

“Wala naman na akong girlfriend ngayon, three (3) months lang kami, wala na. Sabi nga ni ‘nay Jobert sa akin, ‘babaero’ raw ako kasi nakailang girlfriends na ako, sabi ko nga, ‘sige ‘nay, bukas manlalalaki na ako,” sabay tawa ng binata.

Samantala, nagbunga na ang pagtitiyaga ni Michael dahil malapit nang i-launch ASAP ang grupo nilang Harana kasama sina Joseph Marco, Marlo Mortel, at Bryan Santos.

Mala-Sessionistas ang concept ng Harana na ‘haharanahin’ daw nila ang girls ng ASAP20.

Matagal ng pangarap ni Michael na mapasama sa ASAP kaya naman laking tuwa niya nang malamang kasama siya sa grupo at nakakasama na rin siya sa production numbers katulad noong nakaraang Linggo, Pebrero 15.

Napasama siya kina JM de Guzman, Princess Velasco, Paolo Valenciano, KC Concepcion, at Billy Crawford para sa awiting Blank Space ni Taylor Swift.

Pagkatapos ng production number nila ay tumakbo naman siya sa ASAP Chill-Out para kantahin ni Michael ang second song niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako na bukambibig ngayon ng lahat dahil umabot na sa 4 million views nito sa Youtube.

Pinaghahandaan din ni Michael ang papel na Crisostomo Ibarra sa stage play na Kanser mula sa Gantimpala Theater Foundation na gaganapin sa AFP theater kasama si Marion Aunor.

At dahil mahaba-habang panahon ang pagsasamahan nina Michael at Marion ay hindi kaya sila magka-developan?

Dahil sa Hunyo 2015 ay may US tour sila sa 10 cities mula Eastcoast to Westcoast na produced ni Ms Lala Aunor.

Labis din ang pasasalamat ni Michael sa lahat ng nanoood sa nakaraang show niya sa Teatrino, Greenhills noong Pebrero 11 kasama sina Morisette Amin, Duncan Ramos, Chazz, AJ Tamiza, at Ms Malu Barry with the impromptu number with Martin Nievera sa awiting Kahit Isang Saglit.

At sa Sabado, Pebrero 21 ay lilipad ng Bacolod City si Michael kasama sina Marion at Ate Gay para sa charity concert na may titulong The King Deserves The Best para sa Immaculate Conception Parish na ginagawa ngayon sa may Bakyas, Mansilingan Bacolod City.

Nasa Luklukan Festival naman si Michael sa 2015 Balibago City, Sta. Rosa Laguna kasama sina Myrtle Sarroza at Atak.

 
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …