TAONG 2009 pa pala gustong mag-propose ni Direk Paul Soriano kay Toni Gonzaga. Hindi lang ito matuloy-tuloy dahil nakiusap ang huli na huwag muna dahil sa ilang kadahilanan. At simula ng taong 2009, taon-taon pa lang sinusubukan ng director na mag-propose subalit hindi matuloy-tuloy.
“Kasi noong time na ‘yon sabi ko ‘di ko pa kayang iwan ang mommy at daddy at si Alex din. Tapos sa personal career ko rin, sabi ko hintayin mo lang ako at may mga pangarap pa akong makatrabaho. Sabi niya, ‘Sino ba ang gusto mong makatrabaho?’
“Tapos sabi ko, three years ago, ‘kapag naidirehe na ako ni Inang (Olivia Lamasan),” paliwanag ni Toni na natupad naman last year nang idirehe siya sa pelikulang Starting Over Again with Piolo Pascual.
Sa interbyu pa ring iyon hindi maitago ni Toni ang pagkakilig ukol sa kanilang engagement ring ni Direk Paul na nagkakahalaga ng P2-M.
Ani Toni, ang singsing ay 1.5-carat diamond na binili pa ni direk Paul sa Israel.
ni Maricris Valdez Nicasio