ni Roldan Castro
NA-SHOCK kami nang mag-post si Isabel Granada sa aming timeline sa Facebook tungkol sa malisyosong sex video (kuno) umano ni Sarah Geronimo na hindi naman nagpi-play. Agad namin ‘yung dinelete.
Nagulat kami dahil hindi gawain ni Isabel ang ganoon at tiyak na malalagay siya sa alanganin.
Hanggang mabasa namin sa kanyang Facebook Accout, ang “My account was hacked again..feeling annoyed.
“Ewan ko ba. May mga iba ring nabiktima. I feel sorry for hackers kasi wala na silang magawa sa buhay nila. Nandadamay pa ng iba,” reaksiyon ni Isabel.
“Nakahihiya kay Sarah. Sorry pati siya naeeskandalo,” dagdag pa ng aktres.
Anyway, magiging host si Isabel sa HATAW SuperBodies 2015 sa February 28 sa Area 05 ,Tomas Morato katuwang si John Nite. Special guest naman sina Meg Imperial, Vhong Navarro ka-lokalike, Mark Tyler Dela Cruz, indie actor Raymond Cabral, at Tyrone Oneza.
May final go-see para sa male and female models sa February 8, 2015, Sunday , 10:00 a.m.-1:00 p.m. sa 42 Scout Borromeo, Quezon City. Para sa ibang detalye tumawag sa 09053595091.
Pak!