Thursday , June 4 2026

BBL dapat isantabi muna – Lim

Mayor LimNANINIWALA si dating  Manila Mayor Alfredo Lim na dapat munang isantabi ng administrasyong Aquino ang pagsusumikap na maipasa ang Bangsamoro Basic Law hangga’t hindi nadadakip at nasasampahan ng kaso ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro

Islamic Freedom Fighters (BIFF) na lumahok sa madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon sa dating alkalde na retiradong police general, kailangan patunayan ng gobyerno na ipinatutupad ang mga batas sa lahat ng sulok ng bansa, at panagutin ang mga taga-MILF at BIFF na brutal na pumaslang sa 44 kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force.

“Ang unang dapat gawin ng pulis at military ay i-saturate ang lugar na pinangyarihan ng sagupaan para hindi madamay ang mga inosente sa masaker at beripikahin ang pagkatao ng mga kalalakihang nasa area.

Kailangan din masamsam ang mga armas doon,” ani Lim sa panayam sa programang “Katapat” sa DWBL 1224 Khz kamakalawa ng gabi.

Sa ganito aniyang paraan ay madadakip ang mga salarin, masasampahan ng kaukulang kaso at mabibigyan ng hustisya ang mga napaslang at nasugatang mga opisyal at miyembro ng SAF.

Tulad ni Lim, maging si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay kombinsido rin na dapat lamang ituloy ang prosesong pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno at MILF kapag nasagot na lahat ng katanungan kaugnay sa trahedya sa Mamasapano.

“In the meantime, there should be a stop…sabihin sa MI[LF] ngayon, hinto muna tayo, we will sort out things, what really happened, and after that we are ready to talk again,” sabi ni Duterte.

Dapat aniyang ipagkaloob ang hustisya  sa SAF 44 kahit sino pa ang masagasaan para makamit ito.

“Let us treat this with an open mind, huwag tayong magpadala sa emosyon kasi if this thing goes out of hand…ang battleground nyan kami…Walang pinaka interesado dito sa buong mundo sa  Mindanao kundi kami (…we will become the battleground…no one in the world is more interested about the sake of Mindanao than us),” sabi pa ng alkalde ng Davao City.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …