Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol natupok sa sunog

082914 dead babyPATAY ang isang sanggol makaraan makulong sa nasunog nilang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Tupok na ang kalahating katawan ng biktimang si Julius Rain Buquing, isa’t kalahating taon gulang, nang matagpuan sa loob nang nasunog nilang bahay sa Phase 8, Package 1B, Block 2, Lot 11, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang nailigtas ang nakatatanda niyang kapatid na si Mica, 5, special child, makaraan wasakin ng mga kapitbahay ang nakakandado nilang bahay.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 1:30 p.m. nang magsimula ang sunog sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing lugar.

Salaysay ng kapitbahay na si Maricel Fajardo, habang nasa trabaho ang ama ng mga biktima ay iniwan ng ina ang mga bata sa nakakandado nilang bahay at nagtungo sa computer shop.

Hinihinalang naglaro ng posporo ang mga bata na nagresulta sa pagkasunog ng kanilang bahay.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …