Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni Gonzaga super galante sa mga kaanak

102414 toni

00 vongga chika peterANG feeling namin dahil hindi mahilig magdala ng cash tuwing sumisipot sa kanyang mga top rating TV programs sa ABS-CBN tulad ng The Buzz, Home Sweetie Home, ASAP 20 at The Voice of The Philippines ay kuripot si Toni Gonzaga.

At nasanay na ang malalapit na press sa kanila na ang mother niyang si Mommy Pinty ang mas ge-nerous. Pero mula sa isang impormante na lubos na nakakikilala kay Toni ay nalaman namin na mali pala ang iniisip namin sa sikat na singer-actress host dahil in real life ay super ga-lante raw pala, hindi lang sa kanyang family kundi sa partidos rin ng kanyang parents.

Yes marami na raw naibigay na mga mater-yal na bagay si Toni sa kanilang mga kaanak. May mga binigyan siya ng sasakyan at ilang sasak-yan na ang kanyang nairegalo at mayroon din pinatayuan ng bahay dahil naawa siya dahil na-ngungupahan lang. Napakadali raw talagang lapi-tan ng comedienne/actress kaya komportable ang mga kamag-anak niya na emotan siya. Ngayon, alam na namin kung bakit super blessed sa kanyang career si Toni kasi hindi naman pala siya maramot sa kanyang mga Kapamilya. At ang maganda tuwing tumutulong ang TV host actress, ay hindi niya ipinag-iingay. Kung hindi pa nagkuwento ang nakausap nating informant, hindi namin malalaman na generous rin pala si Toni G.

I admire her generosity gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …