Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aleng maliit Ryzza Mae Dizon hindi lang hinahangaan sa kapuso, gusto rin ng mga Kapamilya star

010715 Ryzza Mae Dizon

00 vongga chika peterBukod sa Queen of All Media na si Kris Aquino na very vocal sa paghanga kay Aleng Maliiit Ryzza Mae Dizon, humahanga rin at nakukyutan sa child superstar na alaga ng COO at Vice President ng Tape Incorporated na si Ma’am Malou Choa-Fagar ay sina Anne Curtis, Xian Lim, hottest loveteam ng Kapamilya network na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo atbp.

Sa sariling morning talk show naman ni Ryzza sa GMA 7 na “The Ryzza Mae Show,” na mapanonood Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga (ka-join rin araw-araw si Aleng Maliit), lahat ng kanyang naging celebrity guests, mapa-beterano man o baguhan like Queen of Philippines Movies Susan Roces, our Superstar Nora Aunor, Star for All Seasons Gov. Vilma Santos, Diamond Star Maricel Soriano etc., ay naging instant na mga tagahanga ng Kapuso childstar host. Sino ba naman kasi ang hindi mapapabilib sa batang ito na dahil sa husay at galing sa pagho-host ng programa ay nabigyan ng titulong “The Smallest and Youngest TV Talk Show Host” at tumanggap pa ng kaliwa’t kanang mga parangal. Dalawa ang awards na tinanggap niya sa magkasunod na taon mula sa EdukCirlcle Awards noong 2013 na ginawaran siya bilang “Best Talk Show Host” para sa kanyang The Ryzza Mae Show at “Most Influential Film Childstar of The Year” naman last 2014. Siya (Ryzza) rin ang nakakuha ng mara-ming boto para sa “Childstar of The Year” ng 2013 Yahoo OMG Awards. Nabigyang parangal din ang isa sa kanta niya sa album kasama sina Jose at Wally para sa ChaCha Dabarkads, na napiling “Best Novelty Song” ng 2014 PMPC Star Awards for Music at last December naman, si Ryzza ang itinanghal na “Best Child Performer” ng Metro Manila Film Festival Awards Night para sa mahusay niyang pagganap sa trilogy movie nila ni Bossing Vic Sotto, Marian Rivera, Pauleen Luna at Alonzo Muhlach na “My Big Bossing,” na naging top 3 sa malalakas na pelikula sa nasa-bing festival. Sobrang dami rin ng endorsements na ginawa ni Ryzza last year at marami siyang naka-line up na TVC this year. ‘Yung kanyang morning show naman ay tuloy-tuloy ang pagbibi-gay kasiyahan ni Aleng Maliit sa kanyang TV viewers na two years na niyang kasama sa tuwa at saya sa paglo-look up. Bukod sa kanyang daily celebrity guest na majority ay ginagaya niya ang pag-arte, pagkanta, at pagsayaw ay namimigay rin ng papremyo ang bulilit host sa kanyang mga lucky studio audience. Si Poochie Rivera ang director ng The Ryzza Mae Show.

May aliw factor gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …