Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz, may bagong sitcom kasama ang 3 PBA player

ni James Ty III

110314 ritz azul

NAKITA naming nanonood ng laro ng PBA sa Araneta Coliseum noong Linggo ang sexy actress ng TV5 na si Ritz Azul. Kaugalian na ni Ritz na manood ng basketball dahil ang TV5 ay opisyal na estasyon na kumokober ng PBA.

Sa aming pakikipag-usap kay Ritz, kinompirma niya na magiging bida siya sa isang bagong sitcom sa Kapatid Network kasama ang tatlong players na sina Gary David, Beau Belga, at Willie Miller.

Kilala si Gary noon bilang nanalo sa dance contest na Celebrity Dance Battle na dating napapanood sa TV5.

“’No Harm No Foul’ ang title ng bago kong show,” say ni Ritz sa amin. ”Excited ako kasi marami akong nakilalang mga player at nag-e-enjoy akong manood ng PBA.”

Si Ritz ay isa sa mga muse na pumarada sa opening ng PBA noong Oktubre.

Ang No Harm No Foul ay isa sa mga bagong show na ilulunsad ng TV5 sa susunod na taon.

Magkakaroon din ng bagong morning show ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee kasama ang ilang mga asawa ng mga sikat na PBA players.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …