BAGAMA’T walang namo-monitor na banta sa seguridad ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinailalim sa full alert status ang buong Metro Manila.
Epektibo nitong Lunes, Disyembre 22 nasa full alert status na ang NCRPO at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.
Ayon kay NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria, nais lamang nilang matiyak na ligtas ang publiko ngayong holiday season.
Sinabi ni Valmoria, todo tutok na rin sila ngayon sa pagsalubong sa Bagong Taon partikular ang pagbebenta at paggamit ng illegal na mga paputok.