WALANG nadamay na Filipino sa 16 oras na hostage crisis sa cafe sa Sydney, Australia na ikinamatay ng tatlo katao.
Kinompirma ito ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose batay na rin sa impormasyon mula sa New South Wales Police na iniulat sa kanila ng consulate general ng embahada sa Sydney.
Kabilang sa mga namatay ang dalawang hostage at mismong Islamic-born gunman.
Nasagip ang 17 hostages makaraan ang palitan ng putok ng suspek at mga awtoridad.