NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaki na humalay sa isang 8-anyos batang babae sa Polilio, Quezon kapalit ng kaunting barya.
Kinilala ang suspek na si alyas Jun, 38-anyos.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinawag ng suspek ang biktima at pinapasok sa bahay sabay alok ng barya.
Pagkaraan ay hinubaran ng suspek ang biktima, pinaghahalikan sa labi at tuluyang ginahasa.
Pagkatapos ng insidente ay agad nagsumbong ang biktima sa kanyang magulang.