Tuesday , December 7 2021

P.5M monthly kay City Exec galing kay Maligaya

00 rex target logoUNTI-UNTI nang lumilinaw ang dati’y putol-putol na detalye patungkol sa most corrupt official di-yan sa city hall ng Maynila.

Mantakin n’yo pong tumataginting na kalaha-ting milyong piso ang buwanang obligasyon ng isang illegal terminal queen kay city official.

Anim na milyong piso (P6M) sa loob ng isang taon.

Ang masakit,isang tarantadang babae pa ang pasimuno ng katarantaduhang ito who happens to be a barangay (69) Baligtaran chairwoman.

May marching order pa ang nasabing barangay executive sa kanyang mga tauhan sa barangay na tutukan ang mga illegal terminal na ito na sadyang numero unong sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa mga lugar ng Lawton, United Nations Avenue,Kalaw at Quiapo area tuwing rush hours.

Mistulang mga hari kasi ng kalsada ang mga public utility vehicles gaya ng mga UV Express/FX at mga bus at jeepney.

Walang keber ang mga drivers na humambalang sa gitna ng kalye dahil sa butaw na araw-araw na ipinagkakaloob sa nasabing MALIGA-YANG barangay officials.

Gaya nang una na nating ibinulgar, limang daang piso ang arawang butaw ng mga bus na biyaheng southern Metro na nakapila sa illegal terminal ni chairwoman samantala P120 pesos naman ang 1st trip na butaw ng mga UV Express.

Sisenta pesos naman ang sa bawat biyahe nito.

Nagtalaga rin ng mga taong barangay ang MALIGAYANG chairwoman para tumutok sa mga illegal terminals na ito.

Kinilala ng sources ng TARGET ang mga ito na sina ARROYO at TUPAZ na kapwa umaming sila ang napag-utusang tutukan ang mga illegal terminals.

Usap-usapan ngayon sa buong siyudad ng Maynila ang bagong al-yansang nabuo sa pagitan ng isang city executive at nitong MALIGA-YANG chairwo-man.

Kay city exe-cutive na umano ito nagmamano at lumuluhod sa pag-aalay ng kalahating milyong piso buwan-buwang payola mula sa kanyang illegal transport terminal.

Bakit kaya tahimik lamang dito ang mga trusted men ni Mayor Erap Estrada na sigurado ta-yong ‘nabubukulan!’

Walang nagsusumbong kay Erap sa mga katarantaduhang ito na nangyayari sa kanyang bakuran.

Sandamakmak palang kuwarta ang pinapala araw-araw ng MALIGAYANG chairwoman sa kanyang illegal terminals.

Ilang personalidad na ba ang natumba o ipinapatay sa raketang ito?

Lahat nang sagabal sa sindikatong ito ay bigla na lamang nawawala o natatagpuang nakabulagta.

Mistulang Mafia style ang operasyon nang inaakala nating barya-barya lamang na raket na ito.

Sino kayang nilalang ang maglalakas ng loob para isiwalat ang buong katotohanan sa isyung ito at kasuhan sa DILG at Ombudsman ang mga kupal na nasa likod ng katarantadohang ito.

Kaya bang mag-state witness nitong sina ARROYO at TUPAZ para durugin ang matronang mahilig sa 69 Baliktaran MALIGAYANG chairwo-man.

Marami raw kasing vital infos na itinatago itong sina ARROYO at TUPAZ.

Ala-Benhur Luy sa kaso ni Janet Lim Napoles!

Abangan po natin ang plano nina TUPAZ at ARROYO.

Bago pa mahuli ang lahat.

Remember, “DEAD MAN TELLS NO TALE!”

May kasunod…ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. Mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Talas ng Little Mayor

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng …

Bulabugin ni Jerry Yap

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMI na akong nabalitaang uri ng pagpatay, pero hindi ko akalain na sa ganitong panahon …

Bulabugin ni Jerry Yap

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Bulabugin ni Jerry Yap

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Leave a Reply