Thursday , June 4 2026

P3-M nadale ng dugo-dugo sa kagawad

121214 jewelryNABIKTIMA ng grupo ng dugo-dugo gang ang isang barangay kagawad nang matangay mula sa kasambahay niya ang mga alahas na tinatayang nasa P3 milyon ang halaga kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kagawad Lyza Michelle Bernal, 37, ng 4494, panulukan ng Calatagan at Araro Streets, Brgy. Palanan ng lungsod.

Habang ang kasambahay na si Marisa May Dumalen, 19, stay-in ay nasa kustodya ng pulisya.

Base sa naging reklamo ni Bernal kay PO3 Rodolfo Gutierrez, ng Theft and Robbery Section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong 4 p.m. kamakalawa.

Sinasabing tumawag sa bahay ng kagawad ang isang hindi kilalang babae at nakausap si Dumalen.

Sinabi ng babaeng caller kay Dumalen na nahuli ng pulis ang among si Bernal at pinakukuha ang mga alahas na nakatago sa kanilang aparador.

Sinunod ni Dumalen ang utos ng suspek, niransak ang aparador saka kinuha ang mga alahas na tinatayang  nasa P3 milyon ang halaga, dinala sa Cubao, Quezon City saka iniabot sa hindi kilalang suspek na isang babae.

Nang magbalik si Dumalen sa bahay ay naabutan ang kanyang among si Bernal.

Makaraan isalaysay ng kasambahay ang insidente, agad siyang dinala ng amo sa himpilan ng pulisya.

Nagduda si  Bernal sa naging pahayag ni Dumalen, lalo pa’t ilang buwan pa lamang naninilbihan sa kanila.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …